Chapter 127: Jealousy

373 28 9
                                    


Austin's POV

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw. Napatingin ako ng oras sa cellphone ko at napangiwi nang makitang alas dose na ng tanghali. Ramdam ko agad ang pagsakit ng katawan ko nang sinimulan kong bumangon, nagsipagtunugan din ang mga buto ko sa likod at mga braso nang mapaunat ako.

"Tagal mo namang magising. Bilisan mo, magbihis ka na." napakunot ako nang lumabas si ate Quin sa CR at ibato sa'kin ang tuwalyang galing sa buhok n'ya.

"Bakit? Sa'n tayo pupunta?" takang tanong ko naman, pero agad ding bumangod at sinimulang maglakad papuntang CR.

"Maliligo!" maiksing sagot n'ya bago lumabas ng kwarto.


Maliligo?


Pagkatapos magtoothbrush, maligo at magbihis ay lumabas na 'ko ng kwarto, sakto namang kasabay ko pa ang kahoy sa paglabas pero hindi ko naman s'ya pinansin at sa halip ay inunahan pa s'yang maglakad pababa ng hagdan para iwasan s'ya. Nagtaka naman ako nang bigla akong salubungin ni papa na nakasuot ng pulang pang-Hawaiian shirt at itim na board shorts saka itim na shades.

"Oh anak! Ganyan ka lang? Eh ako? Ayos ba suot ko?" nakangiting tanong ni papa, pero hindi ko magawang sumagot sa kanya at sa halip ay inilibot ko ang paningin sa buong sala at nagtaka nang makita silang lahat na nakasuot ng mga maiiksing damit. Kahit si mama naka sexy shorts din at puting see through na polo na may puting sando sa loob, habang nakasuot naman si tita Agnes ng mahabang kulay itim na bulaklakin na bestida.

"Uy Austin, ano? Ganyan lang ang suot mo?" Tanong ni Ate Debbie habang tinitignan ang suot ko na puno ng panghuhusga. Napatingin din naman ako sa suot kong blue na jogging pants at kulay beige na t-shirt.

"S-saan ba kayo pupunta? Bakit ganyan ang mga suot n'yo?" takang tanong ko. Napailing naman si mama saka inilapag ang buhat na malaking water jug.

"Maliligo tayo sa waterfalls dun sa kabilang baryo. Niyaya na din namin ang mga magulang ni Clinton. Hindi ka ba sinabihan nitong ate mo?" Tukoy ni mama kay ate Quin.

"Sinabihan ko sya!" Sagot agad ng magaling kong ate na natigil sa pagse-selfie matapos marinig ang sinabi ni mama. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Oh? Ano pang hinihintay mo jan?" pagtataray ni mama. Napanguso naman ako.

"Oo na magpapalit na 'ko" naisagot ko na lang saka muling bumalik sa taas. Napahinto pa 'ko nang makaslubong ang kahoy pero agad ding umiwas saka dali daling umakyat sa taas.

Pagkabalik sa kwarto namin ni ate Quin ay napakamot pa 'ko sa ulo ko nang walang mahanap na matinong damit sa loob ng bag ko. Puro pantalon at panlakad na lang ang natira dito.

Hays... mukhang kailangan ko nanaman bumalik dun. Napangiwi ako nang maalala ang nangyari kagabi.

Haish kainis! Pwedi naman na 'tong suot ko eh, si mama lang talaga ang problema. Malamang tatalakan n'ya nanaman ako at tatawaging tomboy kapag hindi ako nakapagdamit ng maayos. Wala pa 'ko sa mood para makinig sa mga seremonyas n'ya.

Maingat akong lumabas ng kwarto at tinignan kung nasa paligid ba ang kahoy. Nang mapansing wala nga s'ya ay dali daling akong naglakad papasok ng kwarto ko at agad itong ni-lock. Agad akong dumiretso sa may closet at naghanap ng damit na masusuot. Sa huli ay kumuha lang ako ng dalawang T-shirt at dalawang short na katamtaman ang iksi saka mga panloob ko, bago dali daling bumalik ulit sa kwarto namin ni ate Quin. Nagulat naman ako nang makitang nasa kwarto na si ate at agad na inihagis nanaman sakin ang kapiraso ng tela.

"Suotin mo yan. Nandun daw ngayon yung intrabidang nanay nung kaklase mong nantrip sa buhok mo, pati yung ate n'yang galing daw abroad! Hindi pweding magpakabog tayo!" mataray na kwento ni ate Quin dahilan para mapangiwi naman ako.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon