Chapter 136: Test

170 15 11
                                    


Ilag sa typooo! Nyapii reading mga bb's!


Dos' POV

"Pwedi ba, umupo ka nga!" Agad akong napahinto sa paglalakad at tinignan ng masama si Crimson. Nakaupo nga s'ya pero panay naman ang paggalaw ng binti n'ya, halatang hindi rin mapakali.

Tss. Pa-astig.

It's been five days since we helped Austin to review for today's test.

And as expected, there were a lot of female students who shift into our school. The only thing I'm nervous about are the available slots. Since this is a trial semester, there's only 25 slots available for grade 12 since there's only 25 of us, in both 2 sections. The grade 11 on the other hand will accept 36 new female students since there are 36 total students in both 2 sections.

And in-order for Austin to belong in our section, she needs to get a high score. She needs to be in top 10, since there are only 10 of us left in our section. I never told her about this since I don't want to put pressure on her. And among the ten of us including Aze, only Crimson knows about this system. We didn't bother to tell the others about this either. We already know what will happened if they find out.

"Oo nga Dos, umupo ka na kasi. Kanina ka pa paikot-ikot jan. Kami lang ang nahihilo sa'yo eh." Pagsang-ayon sa kanya ni Tres. Sa huli ay inis akong napabuntong hininga saka umupo sa pinaka-unang upuan katabi ni Aze.

"Sinabi ko na kasi sa'yo. Imbis na mag-review, dapat ibinigay mo na lang sa kanya yung mga sagot." Nagsalita si Aze matapos tanggalin ang lolipop sa bibig, habang nakadekwatro. Tinignan ko din s'ya ng masama.

"Sa tingin mo hindi ko naisip yun? Lahat ng ni-review na'tin, lalabas yun sa exam." kunot-noong sagot ko. Napangiwi naman s'ya.

"Yung eksaktong sagot. Key Answers. Sana yun na lang yung binigay mo sa kanya saka pina-memorize. Nagpakanda hirap-hirap pa tayo, pati yung tao pinahirapan mo pa. Akala ko ba ikaw ma-ari ng school na 'to? Dapat pag kaibigan, wala nang exam. Tapos pag shota, diretso graduate!--Aray!" Pagmamarunong n'ya, agad ko naman s'yang binatukan.

"Nag-aral ka pang kupad ka!" Napailing ako. Hindi ko naman inaasahang lalabas agad si Austin ng kwarto. Agad kaming napatayo. Dali-dali akog lumapit sa kanya at tinignan ang itsura n'ya.

"Ano? Kamusta?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Mas lalo naman akong kinabahan nang tumingala s'ya sa'kin habang nakasimangot.

"Bukas pa daw malalaman yung result." Disappointed na sagot n'ya. Napahinga naman ako ng malalim.

"It's okay. I know you did well." I tried to cheer her up.

"'I know you did well' daw pero kanina pa di mapakali. Kala mo naman tatay na naghihintay sa asawang manganak." kantyaw sa'kin ni Aze saka muling ibinalik ang lolipop sa bibig.

"Gusto mong makalunok ng stick ng lolipop?" may halong pagbabantang tanong ko sa kanya. Agad namang nanlaki ang mga mata n'ya saka nagtago sa likod ni Tres.

Tss. Coward.

"Eh pano yan? Bukas pa pala malalaman. Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Forth, agad namang lumiwanag ang mukha ni Klyde saka mabilis na nagtaas ng kamay.

"Ice cream!" Masiglang suhestyon n'ya. Taka kaming napatingin sa kanya.

Ice cream sa alas-dyes ng umaga? Tapos umaambon pa sa labas.

"Sige, ice cream! Para naman lumamig 'tong utak ko. Nag-overheat ata sa exam kanina." Agad na sumang ayon si Austin sabay hawak sa ulo n'ya habang nakanguso. .

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon