Chapter 149: Last will

248 15 3
                                    

Austin's POV

Araw ng sabado. Walang pasok, walang mga tukmol, walang kahoy at wala din si tita Agnes. Kami lang nila mama at papa ang naiwan sa bahay ni tita. Hindi naman sila lumayas. Ang kahoy umuwi lang sa bahay nila, si tita naman may pinuntahan. Importante daw, pero hula ko tatakas lang yun.

Mukha kasing hindi pa sila tapos ni mama na mag-usap kahapon pagdating namin, kaya nakaligtas kaming tatlo sa sermon. Umuwi din agad ang bumbay nang makitang busy pa si mama sa pakiki-pagkompronta kay tita, mukhang natakot din na baka abutin s'ya dito ng weekends na puno ang tenga ng mga seremonyas.

"Ma..." Tawag ko kay mama gamit ang may panu-nuyong tono.

"Ano?" Mataray na sagot ni mama habang naghihiwa ng gulay. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Nagdadalawang isip kung itatanong ko ba o hindi. "Huy! Anong nangyari sa'yo? Ba't mukha kang uod na inasinan Jan?"

Nahihiya akong napakamot sa ulo ko. "Ano...kase...pweding magtanong?"

"Nagtatanong ka na." Sarkastikong tugon n'ya dahilan para mapasimangot ako.

Sabi ko nga. -_-

"Maaa...tanong...kung sakali bang mabo-boyprend ako, payag ka—ay kalabaw!" Nagulat ako nang bigla nyang saksakin ang chopping board gamit ang hawak na kutsilyo. Napalunok ako.

Dahan dahan n'ya 'kong nilingon katulad nung sa mga nakakatakot na killer movies. "Gusto mo nang mag-boyprend?"

"Char lang!" Mabilis na bawi ko sabay ngiti. "Mama naman hindi mabiro!" Nakahinga lang ako ng maluwag nang muli n'yang ibalik ang paningin sa hinihiwa. Isinalin n'ya ang mga gulay sa container.

"Walang masamang mag-boyprend basta hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo." Giit n'ya matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Agad namang lumiwanag ang mukha ko at nakangiting tinignan s'ya. "Pero kung si Dos lang din naman. Kalimuntan mo na." Mabilis na bawi n'ya dahilan para bumagsak ang mga balikat ko.

"Ma."

"Maaa..."

"Mamaaa..."

Paulit-ulit ko s'yang kinulit. Nagbabakasakaling magbabago ang isip n'ya, pero hindi.

"Tantanan mo 'ko, Austin. Pag sinabi kong hindi, hindi!" Pagmamatigas n'ya habang nagluluto. Napasimangot naman ako.

"Eh ma, hindi naman daw kami magpinsan...hindi pa pero hindi rin naman kami magkadugo--"

"Narinig mo ba 'yang sarili mo?! Talagang magpupumilit kang payagan kita na magkaroon ng relasyon sa pinsan mo?!"

"Hindi ko nga s'ya pinsan maaa--"

"Kahit na! Anak s'ya ng Tita Agnes mo, at kapatid ko ang tita mo. Tapos ang usapan." Putol n'ya sa'kin habang hinahalo ang nilulutong ulam.

"Pero maaa! Aalis na sila pagkagraduate namin. Kahit sila hindi rin alam kung kelan pa sila makakauwi."

"Oh, ngayon?"

"Baka makahanap s'ya ng iba dun--aray!" Nakangusong sagot ko nang pukpokin n'ya naman ako ng sandok sa ulo.

"Ikaw talagang bata ka!...tsk! Ngayon pa lang kita nakitang umarte na parang tunay na babae."

"Babae naman ho talaga ako." Nakasimangot na sagot ko. "Peroibigsabihinban'yanpumapayagna ka—aray!" Mabilis na singit ko nang muli n'ya nanaman akong hampasin ng sandok sa ulo. Agad naman akong napasapo sa ulo ko habang iniinda ang sakit.

"Wala ka talagang kadala-dala ano? Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao jan pa talaga sa anak ng tita mo?" iiling-iling na tanong ni mama saka muling ibinalik ang atensyon sa pagluluto.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon