Chapter 135: Visit

232 11 2
                                    


Yaay! Nakapag-update ulit!


Thank you so much Ms. @SunnyInks  for these beautiful covers! Superr ganda talaga! (In-edit ko lang yung second one para match talaga kay Austin na nasa hairclip erra nya na HAHAHA)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Austin's POV

"Are you sure you want to come? You look like you haven't slept for days." bakas ang pag-aalala sa boses na tanong ng kahoy. Napatango ako habang kinukusot ang parehong mata ko na nangangati dahil sa antok.

Na-busy kasi ako kaka-solve kagabi nung iniwang equation sa'kin kahapon ni Crimson, hindi ko naman napansin ang oras kaya ganun na lang ang pagtataka ko nung kakaidlip ko pa nga lang ay lumitaw na agad ang araw.

Wow, good student yarn?

Charot lang! Kasalanan ko din naman dahil mas inuna ko pang mag peysbuk bago simulang i-solve yung equation.

Nakakadalawang araw pa lang kami sa pag-rereview pero parang gusto ko nang sumuko dahil sa Physics na yun. Sa totoo lang mas marami kaming math nung grade 11, hindi naman ako proud sa grades ko noon dahil puro pasang awa lang naman yun. Buti nga nakapasa pa eh! Pero di hamak na mas hirap ako ngayon dahil sa pinaghalong stress at pressure. Dati rati basta maka pasa ayos na, ket 75 pa yan. Importante tapos. Pero ngayon halos hindi ako magkandaugaga kaka-isip dahil ayoko din namang masayang ang effort sa'kin ng mga tukmol, kahit lamang ang bardagulan pero atleast kahit papaano ay may nai-ambag naman sila.

Mga tagahugas ng plato.

Hayy bwisit kasi na Kristof yan eh! Hanggang ngayon ipinagtataka ko pa rin kung bakit pati ang daloy ng kuryente kailangan ko pang problemahin. Hindi naman ako mag-e-electrician.

Pag ako naging-electrician, sisiguraduhin kong kahit kailan hindi na magkaka-brown out.

"Sa'n nga ba ulit tayo pupunta?" Takang tanong ko kay tita saka sumakay sa may likurag bahagi ng kotse katabi ang kahoy. Si tita ang mag da-drive

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon