Chapter 29: Tryouts

1.2K 96 5
                                    






Austin's POV

Madaling natapos ang araw dahil sa anunsyo ni Sir na pagsali ng school namin sa paligsahan na magaganap sa RU.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pabalik ng room ng madaanan ko ang hallway kung saan nakalagay ang mga trophies at mga litrato ng mga tao sa likod ng MH (Maximilion High)

Sa daming beses na dumaan ako sa hallway na to ngayon ko lang nabigyang pansin ang mga parangal na to, at aaminin ko kahit na ilang taon pa lang mula nang maipagawa ang paaralang to ay marami na silang mga nakuhang parangal at naging isa pa sa pinakasikat na paaralan kahit na puro lalaki lang ang pweding makapasok dito...at  aksidente ko pang napasukan -_-

Napatingin naman ako sa isang malaking litratong naka frame na nakasabit sa gilid nung cabinet na puno ng trophies at nakaframed na certificates


'Maximus Lysander Dela Fuente
(Founder)'

Napahawak naman ako sa baba ko at pinagmasdang mabuti ang litrato, sya yung Max na kasama ni tita Agnes dati. Sya ang tatay ni Dos at may ari ng school na to, at ang nagbigay permiso sakin na turuan ng leksyon ang anak nya...pero teka...may naituro ba ko sa Dos na yun?

Paalis na sana ako para bumalik nang room nang bigla akong mapahinto nang may mapansin sa litrato. Paatras ko itong binalikan at napatingin nang mabuti. May maliit na nakausling papel sa gilid ng frame na ikinakunot ko. Napatingin pa ko sa paligid bago dahan dahang kunin ang isang kapirasong papel at nagtaka nang mabasa ang nakalagay rito

'Riguel Maximo Dela Fuente'



Dela Fuente? Sino to?

Sakto namang tumunog na ang bell dahilan dahilan para mataranta ako at dali daling ibinulsa ang papel saka patakbong bumalik ng room, laking ginhawa ko naman nang makasabay ko lang si Sir Valmora. Hingal akong napaupo sa upuan ko

"San ka galing?" Napataas ang kilay ko nang marinig ang tanong ng dakilang Dos por dos

"Himala concern ka ata?" Gatong ko pa pero inismidan nya lang ako saka tinuon ang atensyon kay Sir



"Since next month na ang competition,we all need to prepare." Panimula ni Sir "Nahahati sa dalawa ang categories ng men's game, seniors and juniors. So that means magkakaroon tayo ng small competition sa lahat ng games na sasalihan natin para mahanap ang best of the best. At ang magrerepresent ng school natin next month" anunsyo ni Sir

"So this week asahan nyo ang limited class hours--" udlot na paliwanag si sir nang mahiyawan naman ang lahat

"Yes walang pasok!"

"Wohooo uwian agad!'

"Nays nays!'

"Quiet!" Maowtoridad na utos ni sir kaya agad naman silang natahimik "Malimit ang class hours sa mga sasali! SA.MGA.SASALI.LANG!" ulit pa ni sir dahilan para bumagsak ang mga balikat nila

"Sa basketball automatic nang kasali sila Mr. Dela Fuente,Mr. Ochre,and Mr. Delmundo since they are our best players. Sa mga gustong mapabilang magpalista lang kayo kay Coach Kiel and he'll decide who's deserving to be in the team" inform ni Sir " Sa swimming competition,if gusto nyong sumali magpalista na kayo mamaya kay Coach Bea,Sa chess naman sakin at sa quiz bee naman ay kay Miss Jimenez" patuloy ni sir





"Uy! Si ma'am sexy!"

"Sir ako ako sali ako sa quiz bee!"


"Ako rin ser!"


Napailing na lang ako sa kalandian ng mga kaklase ko. Tch panigurado aabangan lang nilang yumuko si ma'am para makasilip,tsk tsk tsk!






Matapos ang dalawang subjects ay PE na. Kanya kanya silang puntahan sa locker room at dun na din nagbihis habang kasama ko naman si Crimson na bumalik ng dorm para dun na makapagpalit

Kung tatanungin kung malayo ang dorm namin sa room naman? Hindi naman masyado mga tatlong liko lang pakaliwa mula sa lockers room. Di hamak ang laki ng Maximilion High, napakalawak nito at binubuo ng dalawampung palapag. Ang first floor ay binubuo ng counter at malawak na hallway kung saan sila tumatanggap ng mga estudyante at bisita,dito run kami makakakuha ng mga papeles at duplicate ng susi sa kwarto namin. Nandun din ang tatlong malalawak na stockroom, cleaning room kung saan nakalagay lahat ng mga gamit panglinis ng mga janitor at janitress, at laundry room kung saan nilalabhan lahat ng mga damit,sapin, pilow case at mga twalya na ginagamit namin. Sa 2nd floor hanggang 5thfloor naman matatagpuan ang cashier's office, faculty room, teacher's lounge at mga kwarto kung saan natutulog ang mga teachers at iba pang staff ng school. 6th floor hanggang 13th floor naman matatagpuan ang infirmary, library, student's dorm, classrooms, locker's room, basketball court, pool area, cafeteria, laboratory at marami pang iba. Hanggang dito pa lang ang naiikot ko sa pananatili ko sa school na to, hindi naman ako makapunta sa 14th hanggang 20th floor dahil para sa iyon sa mga  junior high at hindi na daw kami pwedi dun



Matapos magbihis ay nakarating na din kami sa gymnasium. Agad na pumito si Coach/mamsh para patahimikin ang lahat





"Okay listen everyone!" Panimula ni Coach "Hindi lahat ay makakasali sa team dahil una sa lahat kailangan natin nang magaling! At pag sinabing magaling hindi lang basta basta magaling kundi sobrang galing! As seniors alam kong alam nyo nang mabigat na kalaban ang Reese since top 3 sila sa pinakasikat na paaralan dito sa maynila, they've been a block in Maximilion high's way on reaching the top. So I want you to give all your best in this tryouts and represent our school, Good luck players!" Speech ni Coach saka muling pumito, agad namang nagsitakbuhan ang ibang mga kaklase namin na sa tingin ko ay sasali saka nagsimula nang magpractice. Hindi ko alam pero bigla naman akong nakaramdam ng kaunting lungkot nang maalala ang sunabi ni Coach kahapon at ang speech nya ngayon

Napatingin naman ako sa mga kaklase naming seryoso at puno ng abilidad na naglalaro, napabuntong hininga pa ko nang bigla namang magsalita si Crimson na kanina pang nasa tabi ko



"You're not joining?" Tanong nya


"Baka nakakalimutan mo pong babae ako, at isang malaking compitisyon ang sasalihan ng school natin" sarkastiko kong sagot dahilan para matawa sya ng bahagya


"So what if you're a girl? Wala namang may ibang nakakaalam diba?" Diretso lang ang paningin nya sa mga naglalaro, napakurap naman ako habang iniisip nang mabuti ang sinabi nya



"Look Austin, gender isn't a hindrance to a person's dream. It only identifies your identity but not you're whole personality" hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang hiya nang bigla nya akong lingunin at tignan mismo sa mata bago nagbigay nang nakakapanigurong ngiti "Besides, you look more attractive when you play basketball" saad nya pa saka kumindat, ramdam ko naman ang biglang pag angat ng dugo ko papunta sa pisngi ko at napakamot na lang sa ulo


"Mr. Vermilion!" Matikas na tawag sakin ni Coach/ mamsh na ikinangiwi ko Naman


Pft-- kahapon lang parang uod na inasinan kung makakembot tas ngayon naman parang tuod kung magmatigas HAHAHAHA


"Bakit C-Coach?" Medyo ilang kong tanong nang makalapit sya samin ni Crimson



"Wala ka bang planong sumali sa team? May skills ka, sigurado naman akong makakaya mo ang try outs na to" saad naman ni Coach saka pabebeng nag wink na ikinalaki nang mata ko

Napatingin pa ko kay Crimson na busy sa panonood sa iba kaya agad naman akong nakahinga ng maluwag.


Kaya pala lakas ng loob magladlad! Hay nako mamsh!



"Uh... Pwedi pa rin po ba?" Tanong ko na ikinakinang naman nang mata nya



"Oo na---eherm! Of course Mr. Vermil--" udlot na pagsang ayon sana ni Coach nang biglang dumating si sir Valmora at tawagin ko




"Mr. Vermilion can we have a moment please?" Tanong ni Sir, nagkatinginan pa kami ni Crimson na bakas nanaman ang pagaalala bago marahang tumango at sumunod kay Sir



Oh noes ano nanaman ngayon??








Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon