Chapter 147: Pregnancy Test

273 15 0
                                    




Austin's POV

Kasama si Dos at si Clinton ay dumiretso na kami sa bahay habang ang iba naman ay dumiretso na sa school. Kasalukuyan pang inaayos ang ginawang dorm para sa mga babae kaya uwian muna ako gaya ng dati. Akala ko ay ihahatid lang nila 'ko pero nagtaka ako nang biglang bumaba ang kahoy at sumunod sa'kin sa may tapat ng gate.

"Oh, hindi ka babalik ng school?" tanong ko sa kanya. Umiling s'ya.

"Nah. I wanna stay here for tonight. Besides I also need to update mom about Envy." Sagit n'ya. Napatango naman ako.

"Ah." Sinilip ko si Clinton na nhindi man lang nag-abalang bumaba sa may driver's seat. "Ikaw? Ayaw mo bang pumasok sa loob?"

"Hindi na, kailangan ko nang bumalik sa dorm. Baka mamaya abutan pa 'ko ng curfew." Sagot n'ya saka napatingin kay Dos. "Ikaw tol? Dito ka na?"

Napatango naman ang kahoy. "Yeah. I'll stay here."

"Sige, una na 'ko. Tawagan nyo lang ako kung gusto n'yong magpahatid bukas ng umaga." Ngiting asong alok n'ya. Napangiwi naman ako.

Kapal! Porket pilay lang ang may-ari, feel n'ya kanya na yung kotse.

Nagpaalam pa kami sa bumbay at pinanood s'yang magmaneho palayo. Pagkapasok sa loob ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita sila mama at papa sa may sala habang nakaupo sa may sofa.

"M-ma, p--" Agad akong natigilan nang biglang tumayo si mama at mabilis na sinugod ang kahoy.

"Hayup ka! Anong karapatan mong pagsamantalahan ang anak ko, ha?!" Bago n'ya pa man mahampas ang kahoy ay agad na namin siyang hinarang ni papa. Agad namang hinarangan ni tita Agnes si Dos para protektahan laban kay mama.

"Ate!"

"Labs, maghunos dili ka! Hayaan muna natin silang magpaliwanag!"

"Ma, tama na! Ano bang nangyayari?!"

Sabay-sabay kaming umawat kay mama kaya mas lalo kong hindi naintindihan ang nangyayari. Napasulyap ako sa kahoy, at kahit s'ya ay nalilito din. Nagulat naman ako nang batuhin n'ya 'ko ng matalim na tingin bago padabog na iniabot sa'kin ang kung ano.

"Ayan! Ngayon mo sa'kin ipaliwanag kung ano yan!" bulyaw sa'kin ni mama na mas lalong ipinagtaka ko. Napatingin ako sa hawak kong maliit na kulay puting pahaba na plastic. Merong maliit na bilog sa gilid at dalawang pulang linya sa gitna.

"Ano 'to?" Takang tanong ko habang sinusuri kung ano man yung hawak ko.

"At talagang magmamaang maangan ka pa, alam mo kung ano yan!--Jus-por-santo naman Austin!" inis na napalihamos si mama sa mukha n'ya. "Hindi ka naman namin pinalaki ng ganito...panong... pano mo nagawa sa'min 'to?" halos mangiyak-ngiyak na dagdag n'ya dalitan para mas lalo akong malito.

"A-ang ano?--"

"Dos... please tell me you didn't do it."Napalingon ako kanila tita Agnes at nagtaka nang ang kahoy naman ang kumprontahin nito.

Nalilitong napa-iling ang kahoy habang nakatingin pa din sa hawak 'ko. "N-no. I--"

"Walang hiya ka talaga!" Agad naman ulit naming pinigilan ni papa si mama nang akmang susugurin n'ya ulit ang kahoy.

"Ma, teka lang!"

"Labs tama na!"

"Itinuring ka naming pamilya tapos ganito lang ang gagawin mo sa anak ko?!"

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon