Chapter 59: Cake

757 69 33
                                    















Austin's POV






"Aray!" Daing ko nang may biglang mabunggo



Kasalukuyan akong nasa loob ng hotel nila Matthew at mukhang tangang tumatakbo kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin ko nang saktong makabangga ko si Crimson




"I'm sorry, I'm sorry! Are you okay?" Agad akong nabuhayan nang pag asa nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad kong iniangat ang ulo ko para tignan si Crimson na mukhang alalang ala din sakin



"Crimson kailangan ko nang tulong mo!"













Drake's POV



"Tol tara na maligo na tayo!" Pamimilit ko kay Dos




Kakatapos nya lang nyang magpalit at ngayon ay naglalakad na kami papasok nang Hotel. Kanina ko pa sya sinusubukang idistract pero sadyang matigas talaga ang bunggo nya!




T*ng*nang lalaki naman kasi to oo! Hindi ata mabubuhay nang isang oras nang hindi nakikita si Austin! Sarap lang kaltukan eh!





"Swim if you want to okay?!" Iritableng sagot nya dahilan para mapakamot naman ako sa ulo ko





Pano ba to?!





Napalinga linga naman ako sa paligid habang naglalakad kami pabalik nang hotel, nagbabakasakaling may makitang magandang chix na pweding makaagaw nang atensyon nya. Pero agad ko namang nasapo ang ulo ko nang maalalang pinasara nga pala ni Matthew ang buong resort para masolo namin ang buong lugar




Ano bang gagawin ko? Malalagot ako kay Austin saka Crimson nito eh!









"Wohoooo! HAHAHAHA!"







"Uy! T*ngna teka lang!"









"Di pa ko tapos magreload!"









"Cover! Cover!"










"Ano ba Klyde! Aray T*ng*na!"








Agad akong napalingon at napahinto nang makita sila Klyde, Matthew, Xeon at Forth na naghahabulan dala dala ang malalaking water guns. Agad naman akong napangiti nang may maisip na idea






Mwehehehe






Sakto namang may isang staff ng resort na nakasuot pa nang pulang polo shirt ang may dala dalang mga waterguns ang naglalakad papunta sa direksyon nila Klyde, agad naman akong humiwalay kay Dos at pinuntahan yung lalaki para humiram nang watergun







"Dos!" Sigaw ko kay Dos, sakto namang paglingon nya ay ang pagkalabit ko nang plastic na gatilyo dahilan para mabasa ang buong mukha nya at humalagupak ako nang tawa





Langya! Ang epic! Wahahahaha!







"WAHAHAHAHAHAHA! T*NG*NA! SANA PALA PINICTUR--"




"Trrreeesss!" Napahinto ako sa pagtawa at agad na kumaripas nang takbo nang biglang sumigaw si Dos "You f*cking *ssh*le!" Dagdag nya pa saka kumaripas na din nang takbo para habulin ako








Wahahahaha patay galit na yan! Nagmumura na eh!








"WAHAHAHAA sige lang habol pa tol! HAHAHAHA!" Kantyaw ko pa sa kanya





Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon