Chapter 137: Uniform

206 14 8
                                    


Boom! Sinipag si otor! Tatlong update agad! HAHAHA 

Till next month ulit! Bye bye!--Charot! HAHAHA!



Austin's POV

Kinabukasan ay tanghali na 'kong nagising kaya naman kumakalam nanaman ang sikmura ko. Hindi na muna ako nagbihis o kahit naligo at agad na bumaba diretso sa may kusina.

"Austin, iha. Tanghali ka na nagising ah." Nakangiting bati sa'kin ni manang Beatris. Agad ko naman s'yang nginitian saka kumuha ng tubig sa may ref.

"Oo nga po eh. Napuyat ako kakaisip ng magiging resulta nung exam." Maikling paliwanag ko saka nagsalin ng tubig sa may baso. "Si tita Agnes po pala, nasaan?" tanong ko saka uminom ng tubig.

"Kakaalis n'ya lang, pumunta sa bahay ng anak n'ya." Sagot ni manang habang sinisimulan nang maghain. "S'ya nga pala. Merong dumating na package. Para daw sa'yo. Inilapag ko na lang dun sa may lamesa." dagdag pa ni manang. Sakto namang natapos na 'kong uminom at inilapag ang baso pabalik sa ibabaw ng lamesa.

"Package?" Takang tanong ko.

"Opo, hindi mo ba nakita sa may sala kanina?" Tanong ni manang.

"Hindi ko po napansin eh, dumiretso kasi agad ako dito." napakamot ako sa ulo ko. "Sige po, titignan ko na lang mamaya."

Tahimik lang akong kumakain, ini-enjoy ang kanin,piniritong isda, pochero at maja blanca bilang dessert. Niyaya ko pa si manang na saluhan akong kumain, pero agad naman s'yang tumanggi. Kakatapos lang din daw kasi n'yang kumain. Matapos kumain ay ako na din ang naghugas ng mga pinagkainan ko habang nagsasampay ng mga kumot at punda si manang sa labas.

Matapos ligpitin at hugasan ang mga pinagkainan ko bumalik na 'ko sa kwarto ko para magsipilyo at maligo. Napansin ko ang malaking kahon na nasa maliit na lamesita sa may sala. 'Yun ata tung sinasabi ni manang na package kuno daw. Na-curious ako sa kung anong laman ng kahon at kung saan o kanino galing, kaya imbis na maligo ay umupo ako sa sofa at tinignan ang kahon ng malapitan.

Kulay gray ang kahon na mayroong nakataling kulay pulang ribbon. Mukha s'yang lalagyan ng cake pero mas makapal nga lang. Tinanggal ko sa pagkakatali ang pulang ribbon at ini-angat ang malaking takip ng kahon. Napakunot ako nang makita ang manipis na kulay puting papel saka puting sobre na may pamilyar na logo.

Teka...saan ko nga ba nakita ang logo na 'to?

Binuksan ko ang sobre at agad na nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa'kin ang malaking pangalan ng Maximilion high. Binasa ko ang nakasulat sa papel at agad na napatakip sa bibig ko nang makita agad ang salitang 'Congratulations'.

"Nakapasa ako?! Nakapasa ako!" Agad akong napatayo saka nagtatatalon sa tuwa matapos basahin lahat ng nakasulat sa papel. Nanginginig ang mga kamay ko na kinapa ang bulsa ng suot kong pantulog ko para hanapin ang cellphone ko. Dali dali 'kong in-on ang data at wala sa sariling nakipag-video call sa GC ng mga tukmol.

"Nakapasa ako!" Tuwang-tuwa na sigaw ko nang sagutin agad nila ang tawag.

["Nakapasa saan?"]

["Anong meron?"]

["Uy! Tumawag ka ata, Austin."]

"Nakapasa ako! Nakapasa ako!" paulit ulit na sabi ko habang nagsisipag-join ang iba sa mga tukmol.

["What's going o--"] Mas lalo akong natuwa nang makita ang kahoy na kaka-join lang din.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon