Chapter 138: She's back

257 11 11
                                    



Austin's POV

Maganda s'ya sa totoo lang. Mas komportable din kumpara sa uniform ko sa dating school namin ni Aze. Maganda rin dahil umabot hanggang ibaba ng tuhod ko ang skirt, pero hindi ko pa rin maiwasang mamiss ang unang uniform ko dito sa M.H. Di hamak na mas komportable yun sa lahat ng naging uniform ko!

Panibagong semester, panibagong simula. Hindi ko lubos maisip na makakabalik pa ulit ako dito. Hindi rin ako makapaniwalang tatlong beses akong nagpapalit palit ng school ngayong senior high. Nakakapagod, oo. Pero sulit ang lahat ng 'yon ngayon dahil nakabalik din ulit ako dito. Sa school na pinangarap ko lang dahil narinig ko sa mga kaklase ko.

Hahaha, boplaks ka talaga Austin!

"ATEEEE AUSTIIIIIIIIIIIIINNNN!" Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang tatlong baklita habang tumatakbo papalapit sa'kin. Nagulat naman ako nang agad na nagsipagpuntahan ang mga tukmol sa harapan ko at harangin ang tatlo.

"Hep!Hep!Hep! Bawal ang hug, hanggang jan lang kayo!"

"Ano ba! Makasungalngal wagas ah!"

"Aray naman! Dahan-dahan sa face!"

"Ew! Don't touch me!"

"Woah, Austin? ikaw na ba yan?" Napalingon ako sa gilid at at agad na napangiti nang makita sila Sean.

"Uy! Kamusta?" Tanong ko.

"Hehe, ayos lang." Medyi nahihiyang sagot n'ya. Halos mangawit naman ang pisngi ko kakangiti sa kanila.

"Grabe, hindi ako makapaniwala. Babae ka nga." Hindi makapaniwalang sambit ni Gab. Mukhang hindi pa rin naka-move on sa issue na 'yon. Agad naman s'yang siniko ni Simon

"Congrats nga pala Austin ah, balita namin top 9 ka daw sa mga nakapasa. Grabe ang galing mo na ngang magbasketball, ang talino mo pa." Hindi ko alam kung matutuwa ako o mapapangiwi sa papuri ni Simon.

Hindi naman talaga ako matalino. Nagkataon lang at backer ko ang anak ng may-ari ng school, na pinsan ko din tapos kamuntik pang maging kapatid kung tuluyang napangasawa ng tatay n'ya ang nanay ko. -_-

"Austin!" Dinig kong tawag sa'kin ni Crimson. Muli kong ibinalik ang paningin sa harapan at nakita s'yang papalapit sa'kin kasama si Tres at Wes.. Agad namang napatabi ang tatlong baklita na kanina lang ay nakikipagbangayan kanila Klyde at Forth, na pinigilan silang makalapit sa'kin.

"Crimson!" Kinawayan ko sila.

"Nasan si Dos?" Tanong agad ni Tres nang tuluyang makalapit sa direksyon namin. Saka ko lang din napansin na wala pa din ang kahoy hanggang ngayon.

"Ewan ko. Wala ba sa kwarto n'ya?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Napakunot s'ya. "Huh? Diba dapat magkasama kayong dalawa? Kanina pa s'ya umalis para sunduin ka sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin? Wala naman s'yang sinabing susunduin n'ya 'ko. Si tita Agnes ang naghatid sa'kin dito." Ako naman ngayon ang napakunot.

"Nagkasalisihan siguro kayo." Singit naman ni Wes sa usapan.

"Tsk! Kahit kelan talaga, may 'sa-palpak din eh." Dinig kong bulong ni Tres sa sarili sabay iling. Napangiwi ako.

"What's going on here?!" Agad kaming napalingon sa likuran namin at nagulat nang makita ang istriktong mukha ni ma'am Duran. "Hindi nyo ba alam na hallway 'to? Bakit dito kayo nagtutumpukan?!"

Patay! Balik push-up na rin ba 'ko?

"Ma'am! Bumalik na si Austin!" Masiglang anunsyo ng bubwit. Akala n'ya naman hindi alam ni ma'am yun. Napabuntong hininga si ma'am.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon