CHAPTER 4: Masterpiece

1.7K 137 37
                                    


Austin's POV

Nagising ako sa tunog nang alarm ko,dali dali akong bumangon nang may mapansing kung ano sa bunganga ko

Unti unti ko yung hinila,kaso ang haba kaya inabot pa ko nang ilang minuto bago mapansing kumot ko pala yun

Teka sinong sira ulo naman naglagay nang kumot sa bunganga ko?!

Napatingin naman ako sa katabing kama ko nang mapansin na tulog pa din sya at mukhang di ata nakatulog nang maayos. Alas singko pa Lang nang umaga pero nagising na ko dahil magluluto pa ko nang almusal

Kainis lang kasi exited pa naman akong pumunta dito sa maynila kasi akala ko talaga makakapagpahinga ako sa gawaing bahay kaso ganun pa din eh,mas malala pa nga!

Pagtapos magluto ay hinanda ko na ang pagkain,dinamihan ko na din since nakakahiya naman dito sa kasama ko. Bumalik muna ako sa kwarto para ayusin Ang kama ko at mga susuotin ko,sakto namang pagbalik ko ay gising na sya at nakahalf naked nanaman

Oh tukso layuan mo akoo~~~

[A/N: Hoy! Ang aga aga nambubulabog ka! Shatap!]

Napailing na lang ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang napansin na may tinatago din pala akong kaharutan sa loob ko

"Uy g-gising ka na pala, gusto mo sumabay kumain?" Napakunot ako dahil sa pagiba bang boses ko

Buset na yan! Anlamig kasi dito eh! Yan tulog namamaos pa ko,tas may sira ulo pang nagpakain sakin nang kumot. Grrr kagigil mats kayo, pasalamat ka binigyan moko nang load kagabi kundi ipupulupot ko sa leeg mo yung kumot kong pinakain mo sakin!

"No thanks" cold nyang sagot saka babalik na sana sa kwarto nang biglang kumulo Ang tyan nya,napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili Kong matawa

Hahahahahha ano ka ngayon??tas kasi nang pride eh

Inis syang lumapit sa direksyon ko,saka kumuha nang kapirasong toasted bread bago tuluyang bumalik sa kwarto. Napailing na lang ako saka kumain

Pagtapos maligo at magbihis ay sabay na kaming lumabas nang kwarto saka ni lock yun...well almost magkasabay,iniwan nya kasi ako habang nilolock ko yung pino kaya patakbo akong humabol sa kanya

"Uy teka! Kuyang ano anatay!...ano hoy! Ano! Sandali ano! Huy ano!"habol ko sa kanya,at laking pasasalamat ko at huminto naman sya,napatukod pa ko sa dalawang tuhod ko sa hingal nang mapansing inis nya kong tinignan

"Ano?"tanong ko naman

"Hindi ano Ang pangalan ko"sagot nya kasa nagpatuloy sa paglalakad pero this time nakakasabay na ko sa kanya

"Eh ano?"tanong ko naman

"Isa pang ano mo Jan maano ka talaga sakin" banta nya pa

"Ano?"tanong ko naman,kita kong matalim nya kong tinignan kaya napatakip ako sa bibig ko " ay di sorry naman,ano ba kasi yun?"tanong ko uli

"Tss, it's Crimson okay. Wag mo kong maano ano Jan,aanuhin talaga Kita"Sagot nya naman

"Ahh pasensya ngayon ka lang naman Kasi nagpakilala eh" sagot ko "Ako naman si Austin, Austin Louisse Vermilion"sagot ko,napataas naman ang isang kilay nya

"I thought Agustin ang name mo?"tanong nya, napakunot naman ako

"Huh?hahaha hinde ah, Austin ang pangalan ko...well... second name since nagkamali sila mama nang pangalan sakin"kamot ulo kong kwento

Kahit ako nga nabobobo tuwing naaalala ko nung ikwento sakin nila mama ang kwento nung pinanganak ako at kung bakit ako may panlalaking birth certificate. Sa totoo lang nagkamali na ako dati nang pasa nang birth certificate,kaya laking pagtataka nila na babae ako...buti na nga Lang di na naulit yun eh,hayss

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon