Chapter 34: Trap

1.1K 103 13
                                    

Austin's POV

Langya naman oh kakagaling ko lang dito last week heto nanaman kami! Haish

Kasalukuyan kaming nasa mainit na Field para parusahan ni Ma'am Duran, ang kinaibahan lang ngayon ay pinapa push up kami at etong dalawang to ang kasama ko

Tsh mas gusto ko pang makasama yung anim kaysa sa kanila eh,langya ang awkward. Dinaig pa nung awkwardness yung sermon saka palo samin ni ma'am

" 31....32...33...34...35" Sabay sabay na bilang namin habang sinesermonan ni ma'am


"Tsk tsk tsk,lalo ka na Mr. Ochre I expected a lot from you! Hindi man lang kayo nahiya sa mga bagong board of directors ganyan agad ang pinakita nyo,nakakahiya Kayo!" Sermon samin ni ma'am "You Mr. Dela Fuente! Nagmistulang anak ka pa man din ng may ari nang school pero ikaw pa mismo ang laging pasimuno nang gulo!"

"...42....43...44...45...46."

"And you Mr. Vermilion, bakit ba lagi ka na lang nadadawit sa gulo? Kakatapos lang kitang turuan nang leksyon nung nakaraan eto ka nanaman?? Kaliit mong tao laging nasasangkot sa gulo!"

Ay si ma'am oh namemersonal! Porket may height at apilyedong pang basketball player makalait wagas -,-

"47....48....49...50!" Napahiga naman ako sa mainit na damuhan nang sa wakas ay matapos din kami,pero agad naman akong napatingala dun sa dalawang kunot noong tumayo at naglakad na parang wala lang sa kanila yung pa push up ni ma'am

Edi wow kayo na malalakas!

"Mr. Vermilion ano pang hinihintay mo Jan? Magsisismula na ang klase wag mo sabihing gusto mo pang mag push up?" Sarkastikong saad ni ma'am dahilan para mapatayo naman agad ako


" Eto na eto na Po! Jusme bawal bang magpahinga?" Bulong ko pa bago patakbong sumunod sa dalawang nanguna nang bumalik sa loob

Tsh yung dalawang yun ang galing mang iwan sa ere!

Pagkadating sa classroom ay nagulat ako nang makita yung babaeng magpeperform sana, nanlaki ang mata ko nang malakas nyang sinampal si Wes na hindi man lang ininda ito.

" Break na tayo!" Sigaw pa nung babae.

Teka si Wes yung tinutukoy nyang nanloko sa kanya? Eh manloloko nga, kakaharana nya pa lang dun kay ateng delivery girl na mukhang model kung pumorma nung nakaraan ah! tapos sila pa pala? Galeng!

Akmang aalis na sana sya nang makita nya ako sa harap nang pinto, agad manang nagliwanag ang mata nya at napangiti bago tumakbo sakin at niyakap ako


"Huhuhu baaabbbeee!" Ngawa nya na ikinalaki nang mata naming lahat

"Babe?!"


"Babe buti dumating ka na!" Arte nya saka palihim  na nagwink sakin na agad ko din namang na gets, agad kong klinaro ang boses ko at kahit nandidiri man ay nilunok ko na lang ang pride ko




"B-bakit b-babe? Sinong umaway sayo?" Taas noo kong tanong na ikinanganga naman nang mga kaklase namin




"Akala ko ba bakla sya?"

"May girlfriend sya?"

"Anong nangyayariii??"




Aaaahhhkk! Potek ang sakit pala lunukin ang buong bareta ng pride!

"Tsk! Hahahaaha yan? Yan Ang pinalit mo sakin?" Asar na tawa ni Wes habang papalapit samin " Eh bakla yan eh!" Kantyaw nya pa na ikinayukom naman nang kamao ko


Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon