Chapter 108: Ups and Downs

905 52 20
                                    

Austin's POV

"Hey, are you okay?" Dinig kong tanong sakin ni Yany, napatango lang ako bilang sagot saka muling tumingin sa bintana ng kotse.

Mabilis na natapos ang klase ng wala ulit akong gaanong naintindihan dahil sa panibagong mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Sinubukan kong magfocus sa klase para madistract sa sinabi ni Aileen kanina, nakakarinig pa rin naman ako sa mga itinuturo ng lect kahit papaano, ang problema nga lang kung saan saan naman lumilipad ang utak ko. Matapos rin ng nangyari kanina ay hindi ko na rin naman na nakasalubong o nakausap pa sila Aileen at Aze. Napabuntong hininga ako.

"Kuya, pwedi ho bang dumaan muna tayo kanila Clinton?" Tanong ko sa driver ni Tita Agnes, ramdam ko naman ang pagtitig sakin ni Yany

"Sige ho ma'am" sagot naman ni kuya

Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating ng funeral home. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad ang mga magulang ni Clinton na natigil sa paguusap at napatingin sakin. Akmang lalapitan na sana nila ako nang maglakad naman ako diretso sa kabaong ni Clinton. Nanlulumo kong tinignan ang walang buhay nyang muka.

"Ano nang gagawin ko ngayon?" Mahinang tanong ko sa kanya habang sinusubukang pigilan ang mga nagbabadya kong mga luha "Andaya mo naman kasi eh. Bakit mo pa kasi ako niligtas? Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko" dagdag ko pa kasabay ng unti unting pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan

"T-tuwing may problema ako, l-lagi kang may solusyon diba? Ano na ngayon? Pano na?" Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong mukha ko dahil sa pagpipigil na umiyak ng malakas. Parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman

"Hey, its okay--" mahinang alo sakin ni Yany na kakina pa pala nasa likuran ko. Agad ko naman syang niyakap na syang ikinagulat nya

Miss ko na si Clinton, sila ate...gusto ko nang umuwi at kalimutan na lang lahat. Yun ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Nasanay ako na sa mga ganitong sitwasyon laging nanjan si Clinton para samahan ako at bigyan parati ng payo. Pero ngayong wala na sya...hindi ko n alam kung kanino pa 'ko pweding lumapit.

"Shh tahan na iha, hindi matutuwa si Clinton na makita kang umiiyak" ramdam ko ang paghagod ng mama ni Clinton sa likuran ko, agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap kay Yany at nakayukong humarap sa kanya

"S-sorry ho, sorry ho talaga tita" gumagaralgal ang boses na paghingi ko ng tawad sa kanila. Bakas naman ang awa at lungkot sa mukha ng nanay ni Clinton bago nya 'ko niyakap ng mahigpit

"Shh, wala kang kasalanan. Hindi mo kailangang humingi ng tawad" wala mang alam si tita sa buong nangyari o kung bakit ako umiiyak at humihingi ng tawad ngayon ay ramdam ko pa din ang pagiging sinsero sa boses nya, bagay na nagpakalma sakin ng kaunti

Nang tuluyan na 'kong kumalma ay naupo muna kami nila tita at nagsimulang magkwentuhan. Sinabihan ko na din si Yany na umuwi na dahil baka hanapin na din sya sa kanila, pero hindi naman sya pumayag. Mukha namang hindi din sya naiinip habang nag-uusap kami nila tito at tita dahil panay ang type nya sa cellphone nya, mukhang may ka-chat o ka-text. Sa sandaling pagkukwentuhan namin nila tito at tita tungkol sa mga kalokohan at pinaggagagawa namin noon ni Clinton ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Hindi namin namalayan ang oras, nang magpaalam ako kanila tita na uuwi na ay nagulat ako nang mapasilip sa phone ko at makitang mag-aalas-sais na pala ng gabi.

Dali dali kong ginising si Yany na nakatulog na pala sa likuran namin. Nanghinayang pa 'kong gisingin sya nung una dahil ang bait nya tignan pag natutulog kaso wala akong choice, mas mabuti pang harapin ko ang malditang mukha nya pag gising kumpara naman sa masermonan ng bongga nila mama at tita Agnes.

"Teka sa'n ka ba nakatira? Ihahatid ka na lang muna namin bago umuwi" tanong ko kay Yany habang pasakay ng kotse

"No need, brought my car at your house earlier. Isa pa, meron din akong dadaanan bago umuwi" sagot nya saka isinara ang pinto ng kotse

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon