Chapter 143: Her secret

242 11 7
                                    

Envy's POV

"Dissociative disorders are mental disorders that involves experiencing a disconnection and lack of continuity between thoughts, memories, surroundings, actions and identity..."

Napatingin ako sa paligid habang naglalakad sa gitna ng mahabang hallway. Puno ng pinto ang bawat gilid at bawat kwarto ay mayroong mga doktor na nagtuturo sa dose dosenang mga estudyante. Kulay puti ang pintura ng mga pader. Nakakasilaw ang mahahabang florescent na nasa kisame. Tulad ng nakaraan, nandito nanaman ako nang hindi ko namamalayan.

"Emily!" Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahinto nang marinig ang pangalang iyon.

"Ba't nandito ka pa? Kanina ka pa hinahanap ni Prof!" Kunot noo akong napatingin sa babaeng nasa harap ko ngayon. Magulo ang pagkakapusod ng buhok n'ya, may dala s'yang mga libro at notebook. "Tara na!" Inayos n'ya pa muna ang suot na salamin bago hablutin ang palapulsuhan ko at kaladkarin palayo.

Anong nangyayari? Nasan ba 'ko?

Napatingin ako sa kamay n'yang nakahawak sa palapulsuhan ko habang tumatakbo sa gitna ng malamig na hallway. Napakunot ako nang mapansing tulad n'ya ay nakasuot din ako ng puting lab coat.

"T-Teka!" Agad akong huminto at mabilis na binawi ang kamay ko. "H-hindi ako si Emily." giit ko. Nagtaka naman ako nang mapansin ang biglaang pagbabago sa reaksyon ng babae. Bigla s'yang namutla na para bang nakakita ng multo.

"S-Sino ka?" Bakas ang kaba sa boses n'ya, bagay na ipinagtaka ko lalo.

Kinaladkad n'ya ko papunta dito pero hindi n'ya 'ko kilala?

"Ako..." bigla akong natigilan. Parang biglang nablangko ang isip ko.

Sino nga ba ako?

* * *

"Envy?" panghuhula nung lalaking doktor sa pangatlong pagkakataon, agad namang lumiwanag ang mukha ko nang maalala ang pangalan ko.

"O-opo... A-ako nga." sagot ko. Napahawag s'ya sa baba habang sinusuri ako, pagkatapos ay napabuntong hininga s'ya.

Matapos akong mapagkamalan nung babae kanina ay bigla n'ya na lang akong dinala dito sa opisina ng isa pang doktor. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito o kung bakit ako nandito, pero isa lang ang nasa isip ko ngayon...

Gusto ko nang umuwi.

Simula dati ay ayaw ko na talaga ang itsura at amoy ng ospital. Nakakasakal na nakakasuka. Nakakahilo ang mga kulay puting pader ang ang puting ilaw na nasa kisame. Kahit ang mga taong nakasuot ng puting lab coat at puting sapatos... lahat nakakahilo. Kaya labis ang pagtataka ko kung paanong nandito nanaman ako ngayon.

"Envy...how are you feeling?" Tanong n'ya saka ipinatong ang parehong kamay sa ibabaw ng mesa.

"M-medyo nahihilo po ako. Gusto ko nang umuwi." malamyang sagot ko.

Napatango s'ya. "Alright. I'll call Mr. Suares to pick you up."

Ilang minuto lang ang lumipas matapos tawagan ng doktor si dad ay dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit. Gamit ang isa sa mga kotse ni dad ay hinatid nila 'ko pauwi sa bahay.

"Dad--"

"Why did you came back?" agad akong natigilan nang salubungin agad ako ni dad ng may nanlilisik na tingin. "Hindi ba't sinabi ko, hindi ka pweding bumalik hangga't hindi mo nate-take ang final exam mo?"

"P-po?" naguguhang tanong ko.

"I need Emily back! Hindi ko kailangan ng bobong tulad mo!" para akong sinampal sa sumunod na sinabi ni dad. Ramdam ko ang unti-unting pagkirot ng dibdib ko sa sinabi n'ya. Napalunok ako.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon