Chapter 66: Keep

808 70 38
                                    

Ilag sa typoooo!!! Nyapii reading mga bb's!!😘❤️✨

















Austin's POV

Kinabukasan ay tamad akong bumangon at nagayos. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil sa bigat nang pakiramdam ko.

Madaling araw na 'kong nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagiisip. Dumistansya na din muna ako sa Dos por dos para makapagisip nang mabuti, pero mukhang mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko nang dahil dun. Wala din naman akong planong tanungin sya o ipaalan sa kanya ang mga sinabi nang tatay nya tungkol sa kanya dahil pinangungunahan nanaman ako nang takot sa posibleng isagot nya. Sa ngayon hindi ko alam kung huhusgahan ko ba agad sya o pagkatiwalaan.

Matapos kumain, maligo at magbihis ay sinuot ko na ang bag ko saka pagod na naglakad palabas nang kwarto ko. Halos mapatalon naman ang puso ko ultimo ako mismo nang makita ang isang maliit na pahabang aso habang kagat kagat ang isang papel, nagulat naman ako nang ilapag nya ang papel sa may paanan ko

Bakit aso ata ang sumalubong sakin ngayon at hindi ang Dos por dos?... Hala! Hindi kaya naging aso sya?!?!


Agad naman akong napaluhod para pantayan ang maliit na aso saka ito hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Pst! Dos ikaw ba yan? Anong nangyari sayo? Ba't ka naging aso? At bakit sa dinami dami nang klase nang aso eh yung hotdog pa?" Sunod sunod na tanong ko nang inilapag naman nya ang papel na kagat kagat nya sa sahig. Agad ko namang pinulot ang papel at napakunot nang mabasa ang nakasulat doon



'Classroom'



Classroom? Eh dun naman talaga ako papunta ah.

"Teka! Sulat kamay mo to ah! Gusto mong samahan kita sa classroom?" Tanong ko kay Dos na naging aso, agad naman syang tumahol saka nagsimulang tumakbo paalis. Agad naman akong napatayo saka hinabol sya "Uy Dos teka lang!" Sigaw ko pa sa kanya

Nang makarating sa loob nga classroom ay napakunot ako nang makitang wala man lang ni isang tao sa loob ng room, kahit mga gamit nila wala din. Muli naman akong napatingin kay Dos na naging aso habang nakaupo sa harap ng teachers table, napakunot naman uli ako nang mapansin ang nakasulat sa Blackboard




'Canteen pala Austin!'





Teka hindi na to sulat kamay nang Dos por dos ah, parang sulat na to nang isa sa mga tukmol eh...

"Teka! Wag mo sabihing naging aso din ang mga tukmol at nakakulong sila ngayon sa cafeteria para kakatayin at ipaulam mamayang lunch, tapos ikaw lang ang nakaligtas kaya pinuntahan mo agad ako para makahingi ng tulong!" Nanlaki pa ang mga mata ko nang magtanong sa kanya, muli nanaman syang tumahol at tumakbo kaya dali dali ko naman syang sinundan papunta sa cafeteria

Nang makarating sa cafeteria ay agad akong nakaramdam nang inis nang makitang wala nanamang tao, kunot noo ko uling tinignan ang asong si Dos na nakaupo sa tabi nang isa sa mga lamesa ng cafeteria. Inis ko naman syang nilapitan.


"Ikaw ha! Pinaglololoko mo naman ata ako eh! Gusto gawin kitang sisig ha?!" Inis na singhal ko sa kanya nang bigla naman syang tumayo at tinahulan ang lamesa. Dun ko lang napansin ang isa nanamang kapiraso nang papel






'Gym naman Austin! Exercise! HAHAHAHA! >ヮ<'




Nyemas na yan! Mukhang napagtripan ako ah! Sino naman kaya sa mga tukmol na yun ang nagsulat nito? Ang pangit nang handwriting eh. Lalo na yung emoji, hindi naman pantay ang mata -,-





Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon