Chapter 41: I Like You

1K 90 26
                                    










Dos's POV

"What's with this commotion Dos? Wala ka na ba talagang ibang alam gawin kundi ang gumawa nang eksena? Hindi ka na nahiya! You're a disgrace to our family---"

"What are you even talking about?" Udlot ko sa kanya dahilan para matigilan sya "I don't belong to any family, itinakwil mo na ko diba?" Dagdag ko pa. Agad naman syang napahilamos sa mukha nya dahil sa frustration

"Dos! Respect your father" saway naman sakin ni mom

Kasalukuyan kaming nasa opisina nang magaling kong tatay, habang inaakusahan nya nanaman ko nang kung ano anong paratang sa harap nang nanay ko -_-

"Nagmamalaki ka na ngayon tama ba? Eto ang ganti mo samin matapos kitang palayasin?!" Kunwaring galit nyang tanong, saka bahagyang natawa "Hindi ka na nakuntento sa mga katarantaduhan mo! Talagang nakipagrelasyon ka pa sa kaklase mo?! Sa kapwa mo lalaki?! Ha! Unbelievable!"

"Then why did you believed in it?" Pambabara ko habang patuloy pa ring inoobserbahan ang mga kilos at pananalita nya "Akala ko ba matalino ang ama ko? Marami kang achievements mula pa nung bata ka diba?" Tanong ko at natahimik na naman sya, tila ba inaabangan ang susunod kong sasabihin " Then why such a genus, and great person like 'you' would believe in some humors like that?... Ang pagkakakilala ko kasi kay Dad, kinukumpirma nya muna ang mga bagay bagay bago nya paniwalaan... unless... Your not my dad--"

"You're crazy!" Singhal nya sakin dahilan para mapangiti ako

"Am I?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa kanya nang diretso

You can fool everyone...but not me

"Dos ano ba?! Hindi porket hindi ka na nakatira samin ay gaganyanin mo na kami! We're still your parents!" Sigaw sakin ni mom pero hindi ko sya pinansin

"Haze..iwan mo muna kami" ngayon ay kalmadong utos nya na kay mom habang nakaupo na sa swivel chair nya. Wala namang nagawa si mom kundi ang magbuntong hininga saka umalis

"Did you know that because of what you did, most of the students here wants to evict you from you position?" seryosong saad nya na hindi ko naman masyadong pinagtuonan nang atensyon "you're making my job easy Dos"

"You think?...at sa tingin mo ba hahayaan ko ang kakarampot na mga tauhan mong paalisin ako sa posisyong pinaghirapan ko, nang ganun ganun lang?" Tanong ko pa "Akala mo ba hindi ko alam na sinusuportahan mo na ngayon ang iba pang mga gang para lang mapabagsak ako? Huh! How desperate of you"

"Just admit it Dos, you're suffering. Kung hinayaan mo lang akong makuha ang gusto ko, hindi na kita pahihirapan pa nang ganito" pangungumbinsi nya naman

"At sa tingin mo ba ganun ako ka tanga para sumunod sayo? I'm not a kid anymore Maximo, you can't fool me twice"

"So you already know who i am"Saad nya pa habang napapailing iling "For sure mahal ang bayad mo sa tauhan mo, kaya sa paanong paraang may pera ka pa rin hanggang ngayon" kunwaring tanong nya

"Actually... Ikaw rin naman ang nagbibigay sakin nang pera eh, kaya bakit nagtataka ka pa?" Nakangiting saad ko dahilan para matahimik sya, bakas na ngayon sa mukha nya ang pagtataka

"What do you mean?" Takang tanong nya, sakto namang may kumatok na nakakuha nang atensyon nya

"Gusto mong magpanggap na matalino diba? Then...go ahead, figure it out all by yourself" mahina kong saad bago agad na lumabas nang office nya at makasalubong si Ma'am Duran sa may pinto. Nagkatinginan pa muna kami bago sya tuluyang pumasok nang opisina








Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon