Chapter 52: Birthday

792 69 22
                                    







Austin's POV




"Austin, dito!" Tawag sakin ni Tres nang mapagtantong open sya, agad ko namang inihagis sa kanya ang bola na syang itinakbo nya at shinoot. Napangiti ako nang mashoot yun





Natapos ang practice match namin at lamang kami nang limang puntos laban kanila Wes. Pumito naman si Coach para tipunin kaming lahat sa gitna bago magbigay nang announcement





Kakatapos lang nang exam kahapon kaya balik nanaman sa normal ang schedule namin. Ang sabi daw ni sir Valmora ay bukas pa namin makikita ang resulta, kaya ngayon chill chill na lang muna habang abala ang ibang teachers sa katatapos lang na exam




"Hoy andaya birthday na nang isa dyan sa byernes! Painom ka ungas!" Pagpaparinig ni Rent habang naglalakad kami papuntang lockers room. Napakunot naman ako







Sinong may birthday?







"Uy oo nga no! Yung isa jan tatahi tahimik lang!" Gatong pa ni Eros kaya mas lalo akong nagtaka




"Panong tatahi tahimik eh matagal bang tahimik Yan! Hahaha" gatong naman ni Matthew




Akamang magtatanong pa sana ako nang tawagin naman ako ni Coach, nagpaalam muna ako sa kanila bago sumunod kay Coach sa opisina nya



Simula nung unang araw nang exam ay napapadalas na ang pagtambay ko dito sa opisina ni Coach tuwing makakasalubong nya 'ko sa labas ng cafeteria o di kaya naman ay pag napapadaan ako sa faculty at matyempuhan syang kakalabas lang. Marami syang ikinukwento sakin gaya nang pagkainggit sa kasexyhan ni ma'am Jimenez at pagkakaroon din daw nang tatlong baklang estudyante sa Junior high na syang isa rin sa nagiging ka vibes nya ngayon. Hindi rin naman yun natatapos sa simpleng kwentuhan lang dahil minsan ay inaayusan nya din ako, nilalagyan nang mga hair clip at kung ano anong mga facial masks sa mukha. Hindi naman ako makatanggi dahil mukhang tuwang tuwang sya sa ginagawang pagaayos sakin, saka medyo nakakarelax din Naman ako kaya ayos lang hehehe.

Nagagawa nya ring i-braid ang maikli kong buhok kaya kahapon ay mukha akong sabog na nagmamadaling bumalik sa room namin pagkatapos nang lunch dahil buhaghag na ang pagkakakulot nang buhok ko









Nagmukha tuloy akong bunot!









Bigla kong naalala sila ate Quin at ate Debbie na lagi akong inaayusan dati, natutuwa naman ako tuwing tatalian nila ang buhok dahil gumagaan ang pakiramdam ko at nakakarelax ako. Sa kanilang dalawa si ate Debbie ang may mas pinakamaraming alam na klase nang pagbraid at pagtali nang buhok, wala naman akong pakialam kung anong klaseng pagkakatali yun dahil wala naman akong interes na matuto nun. Si ate Quin naman ay mas mahilig sa mga make up at kung ano anong mga cream cream na pinaglalagay sa mukha, paminsan minsan ay tinuturuan nya akong gumamit nang mga cleanser, toner at saka nung facial mask, pero hindi ko naman tinatandaan dahil masyado akong tamad para sa mga ganung bagay. Pero natutuwa ako pag sya na mismo ang naglalagay na nang mga yun sa mukha ko, hinahayaan ko na lang sya sa kung anong gawin nya sa mukha ko dahil sa huli nakakatulog lang din naman ako sa sobrang relax.






Wag nya lang talaga akong susubukang lagyan nang make up!





Simula bata pa ako ay naiirita na ako tuwing pinipilit akong palagyan nila mama at ate nang make up tuwing moving up, may kasal o kung ano pa mang okasyon na kailangan ay magmukha kang presintable! Makati sya sa mukha at pakiramdam ko ay ang kapal kapal nang mukha ko na para bang kahit sampalin mo ko nang paulit ulit ay hindi ako masasaktan! At hindi ako komportable dun







Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon