Chapter 31: Xeon

1.1K 104 7
                                    



Austin's POV

Tatlong araw mula nang maparusahan kami ni ma'am Duran ng Brooklyn--choss hahaha,kulang na Lang ng 't' eh.

Habang busy ang iba sa pageensayo heto nanaman kaming pito,nagdurusa sa paquiz ni Duran na naudlot kahapon.



"Langya kala ko ba tapos na parusa natin, eh Parang parusa pa din to eh!" Mahinang reklamo ni Xeon



"Konting tiis na lang pre,matatapos din to... matatapos din to" mangiyak ngiyak namang bulong ni Klyde na katabi nya mismo


At dahil pito lang kami na natira sa klase ay wala nang seating seating arrangement kaya napagdesisyunan naming magtumpukang pito dito sa likod,kung saan malayong mahampas ni ma'am pero malakas ang posibilidan na mabato ng eraser

Pero kampante naman kami since malabo labo na din tong mata ni ma'am Duran, gurang na eh hahaha



"Aray!"

"Uy!"

Nagulat kami nang may biglang lumipad na flying saucer--este eraser at sapul agad sa noo at mukha sila Xeon at Klyde



"Mr. Mark Klyden Torres, Mr.---uh...Xeon Cabrera anong binubulong bulong nyo Jan ha?!" Sita ni ma'am dahilan para mapahaplos naman sila sa noo at mukha nilang may libreng pulbos kay ma'am

"Ay si ma'am di memorize"

"Si ma'am oh may kulang"

"Ma'am kami nga minemorize namin pangalan mo eh! Ma'am andaya"


"Si ma'am may favouritism"

Agad naman akong napakunot sa mga gatong nila kay ma'am Duran, pansin naming agad nyang binuklat ang isang malaking notebook at halatang may hinahanap doon




"Dyos por santo, at gusto nyong kumpletuhin ko ang pagtawag sa pangalan na ito??" Gulat na tanong ni ma'am, napalingon naman ako sa mga kaklase kong agad na nagsitanguan




"Dapat kasi ma'am hindi na full name ang pagmention mo" iiling iling na sabat naman ni Xeon




"Nga naman kasi ma'am, bagong buhay na" gatong pa ni Forth


"Ma'am diba nung nakaraan sabi mo hangga't walang tulok o kama sa isang sentence bawal huminto. Kaya go na ma'am" ani pa ni Eros, halata namang napalunok si ma'am at agad na tinawag ang buong pangalan ni Xeon na ikinalaki nang mata ko



"You! Mr. Xeon Valdez Legaspi Romero Cortez Sales Avila Ruiz Cabrera.." mention ni ma'am bago naghabol ng hininga " Wala na bang short cut itong pangalan mo?" Dugtong ni ma'am na ikinatawa naman naming pito


Langya pangalan ba Yun? Eh puro ata apilyedo narinig ko eh HAHAHAHA


"Yan na talaga yan ma'am, it's either tawagin nyo syang Xeon o Cabrera" sagot naman ni Klyde saka inakbayan si Xeon na nagkamot na lang ng ulo


"Okay then. Mr. Cabrera and Mr. Torres, I want you both to pass your papers finished or not finished. The passing score is 18/20 at ang hindi makapasa sa quiz na ito ay magrereport sa monday understood?" Malumanay pero puno nang pangaasar na hamon naman ni ma'am dahilan para agad kaming matahimik at dali daling bumalik sa pag sagot


"Lah teka lang ma'am last na lang!" Reklamo ni Klyde saka dali daling nagsulat


"Lah potek number 5 pa nga lang ako eh, teka ma'am!" Reklamo din ni Xeon







PAGKARATING ng recess ay sabay sabay kaming pito na pumunta ng cafeteria habang lukot na lukot ang mga pagmumukha. Sila Clinton, Rent at Eros na ang bumili at nagdala ng mga pagkain namin habang naiwan naman kami nila Forth,Klyde at Xeon na nakapangalumbaba




"Andaya daya talaga nyang Durant na yan! Number 5 pa nga lang ako eh! Ni di ko nga rin alam kung tama ba yung sagot ko sa limang yun eh!" Pagsusumamo ni Xeon dahil sa paquiz ni ma'am kanina

"Badtrip nga eh! Kala ko malulusutan natin yun sa haba ng pangalan mo" gatong pa ni Klyde dahilan para matawa kami ni Forth



"Bakit nga ba kasi ganun ka haba ang pangalan mo ha? Saka pangalan pa din ba yun? Eh parang sinakop mo na lahat ng apilyedo sa buong pilipinas eh"matawa tawang tanong ko naman


"Aba wala akong kasalanan Jan,nanay ko may pasimuno nyan" panimula nya "Dati kasi marami daw syang manliligaw, lahat ng yun puro gwapo saka mayayaman kaya ang nanay kong mala Rapunzel pagsabay sabayin ba namang sagutin yung mga manliligaw nya edi ayun! Naging single parent tuloy ang loka loka" sagot nya dahilan para matawa kami


"Eh teka pano naging single parent? Ibig sabihin Cabrera ang apilyedo ng nanay mo?" Tanong ko at agad naman syang tumango



"Nung malaman kasing buntis sya lahat ng 'boyfriendssssss' nya nagsidatingan, kaya ayun nabisto sya. Sabay sabay silang nakipagbreak sa kanya, at walang sino man ang umako sakin" bakas ang pagkadimaya sa mga mata nya ng nagkwento sya dahilan para matahimik kami pati na yung tatlong umorder para samin "Tapos dahil sa inis ni mommy pinangalan nya sakin lahat nang apilyedo nung naging manliligaw nya" patuloy nya pa




"Pft--- akalain mo yun di lang pala ikaw ang may nakakatawang birth story Aust--aray!" Daing ni Clinton nang agad ko syang sikuhin sa tagiliran


Tsh ipapahamak nanaman ako neto eh!


___________________________

Yieeee angsipag ko ngayon shems! >.<

Vote at comment pa more pips malapit na mag 500 kalahati na lang 1k naaaa aahhkkk!!!










Xeon Valdez Legaspi Romero Cortez Sales Avila Ruiz Cabrera

Ganyan ka stress si Xeon dahil sa pa quiz ni ma'am, number 5 pa Lang tuloy sya dahil sa haba ng pangalan nya hahahhaa🤣🤣🤣

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ganyan ka stress si Xeon dahil sa pa quiz ni ma'am, number 5 pa Lang tuloy sya dahil sa haba ng pangalan nya hahahhaa🤣🤣🤣

PS. Matinong pics are on the multimedia

Credits to the rightful owner and to dakilang Google 😂✨

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon