Chapter 125: His Reasons

282 26 3
                                    

Austin's POV

"Anak ko nga pala...si Dos. He's going to celebrate Christmas with us." Kaswal na pakilala sa kanya ni tita Agnes. Bakas ang labis na tuwa at excitement sa mukha ni tita samantalang halos hindi naman maipinta ang mga pagmumukha naming apat nila papa at ate dahil sa pagkabigla.

"May anak ka?" Agad na reaksyon ni papa, para bang hindi makapaniwala sa sinabi ni tita.

"Pinsan namin 'yan?"sumunod naman si Ate Debbie na talagang tinuro pa ang kahoy na nasa harapan n'ya.

"What?!" Sabay na react ni ate Quin kay ate Debbie.

Buong buhay namin ang akala namin ay matandang dalaga si tita Agnes, walang asawa at anak, habang nakilala ko naman ang kahoy na 'to bilang lider ng mga tukmol. At kahit pa alam ko nang anak s'ya ni tita Agnes ay hindi ko pa rin maiwasang magulat at mailang sa mga nangyayari ngayon, at mas lalong hindi kailanman sumagi sa isip ko na magkakasama kami sa i-isang bahay bilang; magpinsan!

"Galing s'yang Switzerland. Kaya ngayon n'yo lang s'ya nakilala." Napalingon kaming lahat kay mama nang bigla syang sumingit sa usapan.

Pano n'ya nalaman yun?

"Ah...eh bakit hindi mo naman sinabi, may anak ka pala." Giit naman ni papa kay tita Agnes.

"Wala din naman s'yang sinabing wala syang anak." Pambabara sa kanya ni mama dahilan para mapakunot si papa at takang tumingin sa kanya.

"Kasama rin po ba namin s'yang magce-celebrate ng new year's eve?" Excited na tanong naman ni ate Quin dahilan para sa kanya naman matuon ang atensyon ko.

"Uhm..." Napatingin pa si tita sa kahoy na para bang kinukunsulta ang magiging sagot nito, habang inosente namang napatingin din ang kahoy sa kanya.

"Bakit hindi?" Agad na sagot ni mama. Muli kaming napatingin sa kanya. "Ngayong kasama mo na ang anak mo, hindi mo na kailangang bumalik pa ng kumpanya mo para lang magcelebrate ng bagong taon. Mas magkakaroon ka pa ng oras para magpahinga." Suhestyon ni mama habang nakatingin tita.

"You don't celebrate New Year's eve here?" Takang tanong naman ng kahoy kay tita. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng tuwa habang pinagmamasdan silang dalawa na mag-usap na para bang normal na mag-ina.

"Masyado kasing mahal ng nanay mo ang kumpanya n'ya, kaya hindi n'ya maiwan-iwanan. Kung hindi nga lang nagcecelebrate ng pasko ang mga empleyado n'ya, malamang kahit pasko dun pa din s'ya magcecelebrate sa office n'ya kasama ng mga empleyado n'ya." Sagot sa kanya ni mama. Ilang namang natawa si tita Agnes.

"Hindi naman sa ganun, Ate..." Halatang sinubukang maghanap ni tita ng rason para kontrahin ang mga sinabi ng nanay ko, pero mukhang wala syang nakita.

"Why don't we also celebrate New Year's eve here, then." Suhestyon ng kahoy na syang ikinagulat ko. "Of course, if that's okay with you." paalam nya pa kanila mama.

"Ah, yes yes! Okay, okay!" Natarantang english din ni papa sabay thumbs-up pa, nang magtama ang paningin nila ng kahoy. Napangiwi ako. Ako tuloy pa ang nahiya para sa kanya. Napangiti naman ang kahoy.

"Ay shems ang gwapo." Dinig kong bulong ni ate Quin sa sarili. Agad naman akong napalingon sa kanya na kanina pa pinagmamasdan ang mukha ng kahoy, na para bang pati kaluluwa nito gusto n'ya na ding tignan dahil sa sobrang pagkaktitig dito.

Kanina pa 'to. Kung hindi ko lang talaga 'to ate baka nasapok ko na 'to ng tasa!

"Hoy, Austin!" Muli akong napatingin kanila mama nang bigla n'ya 'kong tawagin.

"Po?!" Gulat na sagot ko naman. Napakurap pa ko nang mapansing sa'kin na silang lahat nakatingin, dun ko lang napansin na mukhang kanina pa pala nila ata ako kinakausap.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon