Chapter 21: Away Bata

1.3K 113 7
                                    

Dedicated to shaniz_17


Austin's POV

Ayan naaa!

Napasambunot ako sa ulo ko nang I anounce ni ma'am Duran ang pagkuha nang one whole sheet of paper. Halos lahat naman kami ay nagreact pero wala ring nagawa

"Number one" anunsyo ni ma'am,dali dali naman akong nagsulat nang pangalan nang mapansing di na gumagana ang ballpen ko

Waaaaa potek ba't ngayon pa?!

"Ma'am tekaa laang!"

"Ma'am wag atat!"

"Waaaiitt lang ma'am!"

"Hoy wag kang makasarili mamigay ka nang papel Jan!"

"Pre peram nang ballpen Dali!"

"Uy dalian mo ayan na oh!"

Habang aligaga ang iba kong kaklase kung saan mamumulot ng papel,at naghahanapan na nang ballpen ay sya namang paglitaw nang ballpen sa lamesa ko,sa madaling salita

May himala!

Napalingon ako sa katabing upuan at nanlaki ang mata nang malaman kung kanino galing ang ballpen

"Salamat" nagmamadali kong pasalamat kay Dos saka dali daling nagsulat nang pangalan

Lumipas ang ilang minutong sunod sunod na tanong at walang humpay na pagsagot,nang sa wakas ay nakaraos din. Di man ako ganun ka sigurado sa sagot ko bahala na si Batman! Basta importante mahalaga!

Akmang magchecheck pa sana kami nang papel nang abutan kami nang bell para sa recess, agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil na 'save by the bell' daw sila. Natawa naman ako saka ibinalik kay Dos ang ballpen nya nang hindi ito matanggal sa kamay ko

"Are you gonna give it back or not?" Tanong nya habang pilit kong tinatanggal ang ballpen na nakadikit sa kamay ko

"Teka lang ayaw matanggal!" Sagot ko

"Well... Enjoy your new pen" saad nya saka nangunang umalis, dun ko naman napagtanto na sya nanaman ang may pakana neto,napasigaw na lang ako sa inis

"Waaaa! T*ngina mo talagang Dosados ka!!!" Sigaw ko sa kanya,kita ko pang sumilay ang pilyong ngiti sa labi nya bago tuluyang makalabas nang room

NAKASIMANGOT akong umupo pagdating sa cafeteria,sakto namang dumating na si Crimson dala ang mga pagkain namin

"Ba't nakabusangot ka? Saka ba't dala dala mo pa din yang ballpen mo? Di pa den makamove on sa quiz?" Kantyaw ni Rent, tinignan ko naman syang nang masama dahilan para natahimik sila

"Yung bwiset na Dos por dos na Yun! Akala ko bumait na, yun pala may masamang balak ang loko! Ayan! Dinikit yung ballpen nya sa kamay ko!" Inis kong singhal saka pinakita pa ang kanang kamay ko kung saan nakadikit ang ballpen. Kita ko namang nagpigil nang tawa sila Eros at Rent habang pokerface pa din si Crimson habang kumakain

"Pft-- hala ka mukhang hindi na matatanggal yan!"pangaasar ni Rent

"Hahahaha tignan mo nga oh! Ni di mo na nga mabuka yang daliri mo,nako! Paputol na yan!" Dagdag pa ni Eros

Kung nakakamatay lang ang tingin, ngayon pa lang butas butas na mga mukha nila! Lakas makapang bwiset eh!

Humanda kang Dos por dos ka! Akala mo ikaw lang ha!

Matapos ang recess ay papunta na sana ako nang locker's room nang makita si Dos na naglalakad paalis,agad ko naman syang sinundan nang makaisip ng idea

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon