Chapter 32: Feelings

1.1K 112 5
                                    

Yaayy ud nanaman hahaha ilag sa typoooo,at grammatical errors puyat ako kagabi eh hahaha bala ka na Batman!


Austin's POV

Matapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming bumalik sa classroom kahit may 10 minutes pa bago matapos ang recess, sila Xeon at Klyde naman ay bumalik muna sa dorm dahil may kukunin daw muna sila

Habang pabalik sa room ay nagtaka ako nang hawakan ni Clinton ang braso ko dahilan para mapahinto kaming dalawa sa paglalakad. Hindi rin naman kami napansin nila Rent, Eros at Forth dahil pare- pareho silang busy sa pagkakantyawan


"Oh bakit?" Taka kong tanong,agad naman syang ngumiti na bahagyang ipinagtaka ko


"May papakita ako"sagot nya saka agad akong kinaladkad palayo



Hindi ko na alam kung saang parte ng campus kami nakarating dahil sa pareparehong itsura ng mga pader at pintuang nadaanan namin, nagtaka naman ako nang huminto kami sa isang Fire exit


"Wala namang sunog ah" nasabi ko pa pero ang bumbay tinawanan lang ako



"Basta,pumasok ka na lang" natatawang pamimilit nya pa, napairap na lang ako bago buksan ang pinto at nagulat sa ganda ng tanawing nakita

Kitang kita mula sa maliit na terrace na kinalalagyan namin ang isang tahimik atmalawak na field na puno ng mga bulaklak at kakahoyan. Napangiti naman ako nang tuluyang makapasok si Clinton at tumabi sakin


"Pano mo nalaman Ang lugar na to?" Tanong ko


"Nung pumasyal kayo naglibot libot ako dito para may sarili tayong tambayan"nakangiting sagot nya habang pinagmamasdan din ang magandang tanawin "Haish sa sobrang dami mo kasing kaibigan, ang hirap mo na tuloy solohin" dagdag nya pa na dahilan para matawa naman ako


"Pft--anong drama yan? Hahaha" kantyaw ko naman

"Eh ba't ba? Masama bang mamiss ko besprend slash suki ko sa pautang?" Tanong nya sabay nguso kaya natawa nanaman ako

"Hindi"sagot ko na lang


"Matanong ko lang... Kayo ba nung Crimson...mm... Kayo ba?" Ilang nyang tanong na ikinakunot ko



Kita mo to ang linaw kausap





"Anong Kayo kayong pinagsasabi mo?"



"Kayo...kung kayo na ba, magsyota ganun" medyo ilang na sagot nya na ikinalaki nang mata ko


"Hindi ah! Haish ba't ba ganyan lagi tingin nyo samin ha?" Inis kong tanong


Nakakairita lang ha, kahit na lalaki ang pagkakakilala sakin ng lahat napaghihinalaan pa din kaming... you know...may relasyon. Meron bang ganun? Tsh nakakasira tuloy sila ng samahan, imbis na magkaibigan lang kami ni Crimson lagi pang nabibigyan nang malisya. Ang awkward na tuloy -,-


"Ewan... siguro dahil lagi syang nanjan para sayo? Siguro Kasi...lagi ka nyang binabantayan?" Patanong nyang sagot dahilan para mapaisip naman ako

Pansin ko nga, pero magkaibigan lang kami nun! Isa pa...mukhang may jowa na din yun, naka wallpaper pa nga eh

"Psh natural lang yun dahil magkaibigan na kami, saka tinutulungan nya din akong itago sa lahat ang tunay na kasarian ko" sagot ko naman


Saglit kaming nabalot ng katahimikan kasabay nang paghampas nang malamig na hangin. Agad naman akong napapikit dahil sa pagdampi nito sa balat ko

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon