Chapter 132: Welcome Back

267 18 7
                                    


Austin's POV

"DOOOOOSSS!!!"

"AUSTIIIIINN!"

"DITOOOO!"

Nakatulog ako buong byahe kaya hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Pagkarating sa baba ng airport ay nagulat ako nang marinig ang boses ng mga tukmol. Napalinga linga ako sa paligid at agad na nanlaki ang mga mata nang makita ang mga tukmol na may hawak hawak pang malaking karatula na may nakasulat na 'Welcome back' at mga random emoji's pero karamihan yung emoji na lips saka mga hearts. Mas lalo ding lumawak ang ngiti ko nang mapansin ang iba na may mga suot na party hats at mga hawak na torotot na mukhang galing na nung new year. Yung iba naman naka shades at naka poker face pero nakasuot ng dinosaur at pepa pig na panjamas.

"What the hell?" Napalingon ako sa kahoy at natawa dahil sa halos hindi maipinta nitong itsura nang makita ang panibagong trip ng mga tukmol.

"Daddy Doooooos!" Muli kong ibinalik ang paningin sa kanila at nagulat nang makitang mabilis na tumakbo ang utak elementaryang tukmol na nakasuot ng peppa pig na panjamas. Tumakbo s'ya papunta sa direksyon ng kahoy at walang alinlangang tinalunan ito para salubungin ng yakap. Napatakip naman ako sa bibig ko sa pagkagulat nang makita ang gulat ding reaksyon ng kahoy matapos saluin ang utak elementaryang tukmol na nagmistulang tuko kung makakapit sa kanya.

"Dooooss!!!"

"Austiiinnn!!!"

"Namiss namin kayooo!"

"Pasalubong kooo!"

Mabilis na sumunod ang iba pang mga tukmol, at dinumog kami ng kahoy. Para kaming mga artista na dinudumog ng mga fans at pinagtitinginan ng mga tao dahil sa ginawang eksena ng mga tukmol. Natutuwa man ako sa bonggang pa-welcome nila sa'min, pero hindi na talaga ako makahinga!

Sinubukan kong tumingkayad para makakuha ng hangin, pero nang dahil sa height ko at likas na katangkaran ng mga tukmol, sa huli ay napaupo na lang ako sa sahig saka agad na gumapang paalis habang dinudumog nila ang kahoy na walang ginawa kundi ang pagdadakmain ang mga mukha nila para ilayo sa kanya.

Nang makaalis ay agad akong naghabol ng hininga. Nadinig namin ang matunog na pag-ubo ni tita at sa isang iglap ay nagsipaglayuan ang mga tukmol sa kahoy. Dali dali nilang pinagtatanggal ang mga suot na shades at party hat saka nginitian si Tita Agnes. Tinulungan naman ako ng kahoy na tumayo at magpagpag ng damit ko na halos kusot kusot na dahil sa pandudumog na ginawa ng mga tukmol.

"Hehe. Nanjan po pala kayo tita."

"Welcome back po tita."

"Hello po tita."

"Good Morning po."

"Kamusta po?"

Napangiwi ako nang sa isang iglap ay nagmistulang mga mababait na tupa ang kanina'y parang mga mababangis na asong mga tukmol.

"Yow, yow, yow! Wassup, cuz!" Lahat kami ay napalingon kay Aze na may suot na shades at may dala dalang mga kulay gintong mga lobo at isang boquet ng kulay asul na tulips. Sinundan namin s'ya ng tingin habang naglalakad s'ya papalapit sa kahoy na agas s'yang pinagbabato ng matatalim na tingin. Akmang yayakapin n'ya pa sana ang kahoy nang ambahan naman s'ya nito ng suntok.

"Back off." Warning sa kanya ng kahoy dahilan para lumiko s'ya sa direksyon ko. Sa akin n'ya sana iaabot ang mga dalang lobo at bulaklak nang bigla naman s'yang lumiko at sa huli ay iniabot ang mga iyon kay tita Agnes.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon