Chapter 111: Dos Babies

451 33 21
                                    

Wassup mga bb's! Hehehe ngayon pa lang ang start ng Christmas break namin kaya ngayon pa lang ako nagkaroon ng time para mag update, so hindi ko na patatagalin 😅

Ilag sa typo mga bb's! Nyapii reading ✨🥳


Austin's POV

"A-nong--" hindi ko agad natuloy ang sasabihin ko nang bigla nya akong yakapin.

Lahat ng mg iniisip ko kanina ay biglang naglaho ng parang bula. Hindi ko na natuloy ang itatatanong ko sana at wala sa sarili niyakap din sya pabalik.

Ilang minuto din kaming nanatili sa ganong posisyon. Wala ni isa samin ang umimik. Hindi ko naman maiwasang makaramdam na parang may mali nang mas lalo nyang higpitan ang pagkakayakap sa'kin. Hindi pa rin ako umimik at pinakiramdaman lang ang mangyayari.

"We need to go" saka lang kami napabitaw sa isat-isa nang marinig ang boses ni Yany. Ramdam ko naman ang pagkadismaya ng kahoy dahil sa malalim na buntong hininga nya.

Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang hawakan nya ang dalawang kamay ko habang nakatingin pa rin sa mga mata ko.

"I promise I'll fix everything. I'll get justice for Clinton's death. For now I want you to take care of yourself while I'm gone and promise me one thing..." Bakas sa boses nya ang pagiging sinsero, bagay na nagpatahimik sakin at patuloy lang na makinig sa sasabihin nya. Nagulat naman ako nang hawakan nya ang batok ko upang ilapit sa kanya at halikan ang noo ko. "When I get back, I want us to be official." Dugtong nya matapos halikan ang noo ko. Nanikip ang dibdib ko at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Hindi ako agad nakasagot.

"Dos, hurry up!" Agad akong nakaramdam ng pagkataranta at kaba nang muling sumingit si Yany sa usapan matapos buksan ang pinto ng kotse. Hindi naman natinag ang kahoy at nanatili pa rin ang tingin sakin. Hinihintay ang sagot ko.

"Promise me Austin." Muling giit nya dahilan para muling mabaling sa kanya ang atensyon ko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi kami pwedi dahil magpinsan kami at si tita Agnes ang tunay nyang Ina, pero hindi ko alam kung pano. May parte din sa'kin na gustong sumang ayon sa gusto nya, pero hindi talaga pwedi. Mga pamilya namin ang magiging kalaban namin pag nagkataon. At mas lalo namang ayoko din syang ilayo kay tita Agnes.

Hindi ko alam ang tunay na kwento o kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon, pero alam kong gustong gusto syang makasama ni tita Agnes. Hindi ako pweding sumang ayon sa gusto nya, dahil pag nagkataon hindi lang sya mapapalayo kay tita Agnes, magkaroon pa ng lamat ang relasyon nila mama at tita Agnes bilang magkapatid, at ayokong mangyari yun. Ayokong suklian sa ganitong paraan ang kabaitan ni tita Agnes. Ayoko syang magdusa ng dahil sa pagiging makasarili ko.

"Dos..." Binawi ko ang kamay ko at bahagyang lumayo sa kanya. Agad namang nabahidan ng lungkot ang mga mata nya, bagay na nagpakonsensya sa'kin.

"Dos!" Pareho kaming napatingin kay Aze na tumakbo papunta sa direksyon namin, napakunot ako.

Teka-nandito sya? Bakit parang hindi ko ata sya nakita kanina?

"Come on! We need to go. They just left." dagdag pa ni Aze. Napakunot naman ako

"Austin, promise me" desididong giit naman ng kahoy dahilan para mapatingin uli ako sa kanya.

"Dos-kasi--"

"Dos, we need to go! Or else your parents will gonna find out!" Pagmamadali ni Yany na ngayon ay nakaupo na sa may driver's seat ng kotse.

"I won't go unless you promise me Austin." Pagmamatigas nya dahilan para mabaling sa'kin ang atensyon ng dalawa. Para namang gusto ko na lang sapakin ang sarili ko dahil sa pa-me-mresure nilang tatlo.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon