Chapter 23: Ambush

1.2K 105 3
                                    


Austin's POV

Kinabukasan gaya nga nang sabi ni sir ay halfday lang kami, nag kanya kanya namang plano ang lahat kung saan mamasyal nang biglang sumigaw si Forth na manlilibre daw ang ang dakilang Dos kaya ayun! Exited ang lahat sa libre aaattt take note!  Kasali ako! Mwehehehe

Pagkatapos magbihis nang simpleng gray na t-shirt saka pantalon ay taka akong napatingin kay Crimson na nakapambahay lang habang nakahigang nagpapatugtug sa headset nya. Agad ko naman syang tinapik para gisingin

"Woi! Ba't di ka pa nagbibihis? " Tanong ko,agad naman syang bumangon saka inip akong tinignan

"Hindi ako sasama" sagot nya na ikinataka ko

"Ba't Naman? Sasama nga lahat eh,pati ak--"

"No! We'll stay here" udlot nya sakin,dahilan napasimangot ako saka padabog na umupo sa kama nya

"Bakit?? Di naman tayo gagastos eh! Libre daw ni Dos, kaya sige naaaa!" Pamimilit ko with matching hatak pa sa kanya na mukhang di naman umuubra

"No" mariin nyang sagot,napanguso naman ako

"Sama tayo dali na! Maraming pagkain dun"pangungumbinsi ko pa sabay taas baba nang kilay

"Ikaw Lang naman ang matakaw eh" sagot nya na nagpabagsak nang balikat ko

"Sig---" udlot kong pamimilit pa sana nang may biglang kumatok,dali dali ko namang binuksan ang pinto at nagtaka nang makita sila Tres at Dos

"What's taking you so long? We don't have the whole day you know" apuradong tanong nung dakilang Dos

Aba himala! inantay ata ako? Anong meron?

"Hindi sya sasama" agad akong napalingon kay Crimson na biglang sumingit sa usapan

"Crimp naman oh,tara na minsan lang to" aya ni Tres,agad naman kaming napatingin kay Dos nang asar syang natawa

Kita mo to,umandar nanaman pagka saltik nya. Tumatawa ng mag Isa eh!

"Kung ayaw mo sumama di wag,pero wag kang mandamay nang iba. Let's go Austin" saad ni Dos sabay hatak sa palapulsuhan ko,agad naman akong nagulat nang hatakin di  ako ni Crimson sa kabilang palapulsuhan ko

Jusmeh! Wag nyo kong gawing tug of war!!

"I said he's not going anywhere" mariing saad ni Crimson, napatingin naman ako kay Tres at napakurap kurap para humingi nang tulong pero nagkibit balikat lang sya

"Look Uno--"

"Don't you f*cking dare try to call me with that name" mariing banta sa kanya ni Crimson na nagpatayo nang balahibo ko

Hala! Hala, ayan na ang delubyooo!

"Why?what's wrong with that name? Don't tell me you're still affected? Kaya ba pumatol ka na din sa bakla?" Pangaasar ni Dos na syang kinainis ko

"Aba't! Sira ulo ka ah!" Saad ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nya pero mas hinigpitan nya lang ang hawak nya sakin

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon