Chapter 76: Dela Fuentes

694 59 25
                                    




Austin's POV

Kinabukasan gaya nga nang napagusapan, matapos nang klase ay nagpaalam na akong hindi makakaattend sa party mamaya dahil may 'family emergency' kunu daw ako. Grabe galing talaga nila tita gumawa nang palusot, halang may experience -_-


Puro lang naman seat work ang pinapagawa samin nang mga subject teachers dahil nga busy ang halos lahat sa paghahanda para sa magarbong party mamaya. Half day lang din daw uli kami kaya naman maaga aga akong makakabalik sa bahay ni Tita Agnes


"Eh sinong kasama mong umuwi?" Tanong ni Eros, napakamot naman muna ako sa ulo ko bago sumagot

Hindi nila pweding makita si Tita Agnes, kundi talagang mapaghihinalaan na 'ko mamaya. Jusmeh ba't ba kasi ang hirap nang sitwasyon kong 'to? T~T

"S-si Clinton! Si Clinton ang maghahatid sakin" palusot ko na lang

"Sama ako Austin!" Singit naman ni Klyde saka akmang kakapit na sana sa braso ko nang hilain agad sya ni Xeon pabalik

"Manahimik ka nga! Wala ka namang gagawin dun eh, dadagdag ka lang sa problema" saway pa sa kanya ni Xeon. Napanguso naman sya

"Alam na ba ni Dos to?" Tanong naman ni Tres dahilan para mapakunot ako


Bakit nya naman kailangang malaman?


"Oo nga Pala, asan si Dos? Kahapon ko pa sya hindi nakikita ah" kunwaring tanong ni Clinton saka nakakalokong tumingin sakin, napairap naman ako bago umiwas nang tingin

"He's talking to Aze again. Kahapon pa sya busy kakaasikaso para sa party nang lolo nya since Campus officer din sya, not to mention na president pa" sagot naman ni Crimson dahilan para makaramdam ako nang kaunting kaba

Oo nga pala, lolo nya ang darating mamaya. Ibig sabihin buong pamilya nya ang nandun mamaya. Siguro tama lang din 'tong desisyon ni Tita Agnes na hindi ako magpakita bilang ako mamaya, baka ako pa ang makasira nang kasayahan nila mamaya.

"I think mas maganda na ding hindi ka nga muna umattend mamaya, at mas maganda din kung wag mo nang ipaalam kay Dos na hindi ka a-attend. Mainit ka pa naman ngayon sa mga mata nang Dela Fuente dahil sa sunod sunod na issueng kinasangkutan mo
dito sa school, lalo na't may namamagitan pa sa inyo ni Dos" dirediretsong giit naman ni Wes dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya, napaiwas na lang tuloy ako nang tingin

Wala namang namamagitan samin eh -_-'

"Alam mo, wala ka talagang ambag kundi kayabangan eh. Bakit kaya hindi na lang ikaw yung hindi umattend?" Sarkastikong tugon naman ni Tres dahilan para magsimula nanaman silang magkagulo

"Anong mayabang dun? Nagsasabi lang ako nang totoo, hindi tulad mo. Sinungaling!" Gatong naman ni Wes dahilan para mas lalong mag init ang ulo ni Tres

"Aba't!--"

"Enough!" Awat naman ni Crimson sa kanila "Look. Wes has a point. Pag nalaman ni Dos na hindi a-attend si Austin, malamang hindi din sya a-attend mamaya. Either way masisira pa din ang party at mas lalong mababad shot si Austin sa pamilya nya." Paliwanag ni Crimson dahilan para mapabuntong hininga naman ako


A-attend pa nga ba ako? Para namang panira lang ako mamaya eh.


Mabilis na lumipas ang oras. Pagkauwi sa mansyon ni Tita Agnes ay agad kaming kumain at nagkwentuhan. Panay ang tanong nya sa kung anong klaseng hairstyle daw ba ang gusto ko at kung anong klaseng make up para mamaya, wala naman akong maisagot dahil wala naman akong alam sa mga pinagtatatanong nya -,-

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon