Chapter 42: Yany

995 78 13
                                    




Austin's POV

Halos hindi ako makatulog dahil sa paninibago sa bago kong kwarto. Mas malaki, at mas maaliwalas kumpara sa dati naming kwarto ni Crimson kung tutuusin, ang kaso ako lang mag isa -_-

At speaking of Crimson! Yan Isa pa yan sa mga rason kung bakit ilang araw din akong sabog! Hindi ako magkanda mayaw mayaw sa kakaisip dun sa sinabi nyang 'i like you" kunu daw!

Hindi ko alam kung anong dapat i react, pero may kaunting kirot sa dibdib ko nang sabihin nyang '...and I need time to remove this feeling' daw! Haish! Eh sino ba kasing hindi mabubwisit nyan eh minsan na nga lang may aamin sayo tas sabay bawi naman! Sira ulo den eh!

Lumipas na nga ang isang linggo at malaking pagbabago ang nangyari. Binago ang seating arrangement at ngayon ay katabi ko na ang bumbay na mukhang may plano nanaman akong pautangin! Hindi na nga din sumasabay samin kumain si Crimson gaya nang sinabi nya, talagang dumistansya na ang mokong! Kaya pala naglakas nang loob na umamin kasi bigla na lang akong tatalikuran! Sapakin ko sya nang hard jan eh!

At eto pa! Ang dakilang Dos por dos hindi na nanguutos, sa katunayan hindi na nga din namamansin eh...pero hindi naman yun bad news,good news pa nga para sakin kung tutuusin. Actually tatlo silang hindi namamansin, si Uno, Dos, Tres. Ang dakilang tatlong itlog nang Maximilion, ayun! Tengga! Hindi na nga namamansin, tapos minsan papasok pang may bangas ang mga mukha!

Hindi talaga maganda kutob ko sa tatlong to eh! Malamang may mga pinaggagagawa to!








"Energy people! Ano ba?! Ba't anglalamya nyo ngayon?!" Takang tanong samin ni Coach



Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon nang basketball, at wala talaga sa kondisyon ang lahat. Binigyan na lang muna kami ni Coach nang break para makapagpahinga, tamad naman akong tumingin sa mga kaklase ko... Malamya, madilim, malungkot... At ang masamang awra papalapit na!



"Pst! Ba't nakabusangot ka Jan?" Tanong nang bumbay saka umupo sa tabi ko


"Wala lang" tipid kong sagot


"Yung buhok mo humahaba na, Wala ka bang planong pagupitan yan?" Tanong nya



"Wala, Wala akong pera--"


"Edi pauutangin Kita!" Masigla nyang sagot dahilan para mas lalo akong napasimangot


Sinasabi na nga ba eh! Ibabaon talaga ako nang mokong na to!



"Manahimik ka jan,Wala ako sa mood" nasabi ko na lang



Tahimik lang kaming nakaupo sa bleachers habang pinapanood ang iba naming kaklase na maglaro nang magsalita naman ang bumbay

Lakas din nang tama nang mga to eh! Pag naglalaro parang ayaw maglaro, pag break time saka maglalaro!




"Edi sige, hindi na lang kita papautangin. Ililibre na lang kita, gala tayo sa Sabado! May alam akong bulaluhan! Diba paburito mo yun?"



"Tinatamad ako eh, mag aya ka na lang nang iba---araaaayyy!" Wala sa mood kong sagot nang bigla nyang kurutin ang pisngi ko



"Sige naaaa!" Pamimilit nya habang gigil na hinila ang pisngi ko



"Ayoko nga!"



"Sige na!"



"Ayoko!"



"Geh na!"



Anak nang!




"Tsh! Ayoko nga sabi,wag kang makulit!"



Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon