Chapter 124: Celebrating Christmas with him

253 24 2
                                    


Austin's POV

Pagkababa ng kotse ay napangiti ako nang marinig agad ang boses nila ate. Napalingon ako sa bahay namin at napangiti nang makita ang dalawa kong ate na naguunahang tumakbo papalapit sa'kin.

"Austiiiiiiiinnnn!" Sabay na tawag nilang dalawa sa pangalan ko habang naka bukas ang parehong mga braso, umaastang sasalubungin ako ng yakap.

"Aaatteeeee!" agad din akong tumakbo papalapit sa kanila at binuksan ang parehong mga braso ko upang salubungin ang mga yakap nila nang bigla nila akong lampasan. Agad naman akong napahinto ako at napakurap pa.

"TIIITAAAAA!!!" napalingon ako pabalik sa kotse at napangiwi nang salubungin nila si tita na kakababa lang ng kotse.


"OMG! Tita namiss ka po namin!"

"Oo nga po! Kamusta po tita? For sure pagod kayo sa byahe, marami akong niluto para sayo tita!"

"Excuse me! Ako ang nagluto, tagahiwa ka lang kaya!"

"Tagahalo ka lang. Kung hindi kita tunuruan, malamang ako rin gagawa ng lahat"


Tss. Nakalimutan ko, mga sipsip nga pala 'tong mga ate ko. -_-


"Austin, nak!" Muli akong napalingon sa harap nang marinig ang boses ni papa.

"Pa!" Napangiti ako bago sya salubungin ng yakap.

"Ano, kamusta?" Tanong agad ni papa matapos matapos naming bumitaw sa pagkakayakap.

"Ayos lang naman po, pa" Masiglang sagot ko.

"Oh, sya. Pasok ka muna sa loob. Ako nang kukuha ng mga gamit nyo"

"Sige po" Agad ko namang sinunod ang sinabi nya saka nagsimulang maglakad papasok sa loob ng bahay. Natawa pa 'ko nang marinig na sermonan nya sila ate.


"Hoy! Ano ba kayong dalawa, papasukin nyo muna ang tita nyo at pagod yan sa byahe!"

"Ay! Tara tita, pasok ka muna."

Hehehe. Tara tita, ipapakita ko sayo!"


Nang tuluyang makapasok sa loob ay nagulat ako nang salubungin agad ako ni mama ng yakap. Napapikit naman ako saka niyakap din sya pabalik.

"Kamusta? Kumakain ka ba ng maayos dun? Yung test paper mo nung exam mo, dala mo ba?" sunod sunod na tanong agad ni mama matapos akong yakapin. Unti unti namang nawala ang ngiti ko nang isali nya pa ang exam ko sa usapan.

"Ano ka ba ma, para namang hindi kayo galing dun ni papa nung nakaraan." Tanging naisagot ko na lang. Nagbabakasakaling makalimutan nya yung tungkol sa test paper.

"Kahit na. Anong malay namin kung nagpasaway ka nanaman sa tita mo pagkaalis namin, at nagmumukmok nanaman sa kwarto mo" Pangangatuwiran nya pa. Napangiwi ako.

"Wag kang magalala ate. Hindi ko naman pinapabayaan si Austin. Takot n'ya na lang sayo!" Biro pa ni tita sabay tawa.

Nagpatuloy pa kami pa pagkakamustahan at biruan habang kumakain sa may kusina. Matapos kumain ay pumunta muna kami ni tita Agnes sa mga kwarto namin para magbihis. Nagpalit lang ako ng malaking brown na t-shirt saka itim na shorts galing sa may damitan ko. Napasimangot pa 'ko nang marealize na nadala ko pala lahat ng mga paborito kong mahahabang shorts sa maynila kaya ang naiwan dito sa bahay ay yung mga medyo maiiksi na sa'kin at halos nakalimutan ko na ding suotin kahit pa man dati, na dito pa 'ko sa bahay.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon