Chapter 53: Klyde

769 74 47
                                    





Austin's POV






"Mr. Vermilion! Are you listening?!" Striktang tanong ni ma'am Bethany, napatango naman agad ako kahit ang totoo ay hindi




"Y-yes ma'am!" Pagsisinungaling ko



Kanina pa kasi ako nakatulala habang nag-iisip kung ano ang pweding i-regalo sa delubyong yun. Birthday nya na daw pala kasi sa sabado at plano nilang mag overnight sa isang resort na pagmamay ari daw nang mga magulang ni Matthew, napasimangot na lang ako dahil mukhang hindi ko din naman yun gaanong mae-enjoy dahil pag naligo ako tyak! Katapusan ko na -,-






"Mr. Dela Fuente! Sino ba ang teacher mo? Si Mr. Vermilion o ako?" Tanong ni ma'am kay Dos na kasalukuyang katabi ko ngayon. Muli nanamang binalot ang room nang mga kantyawan at pangaasar





"Hahahaha hanep na yan! Mukhang bukod kanila Rent,ay bago nanamang mae-especial mention "






"Parehong distracted sa isa't-isa! HAHAHA!"







"Uy hinay hinay lang Dos baka bumagsak ka na nyan! HAHAHA!"









Napailing na lang ako sa mga kantyawan nila.





Isa pa to! Simula nung exam kahapon gumawa na nang sariling seating arrangement nya! Pinagbigyan na nga kahapon, nawili naman hanggang ngayon -,-






"If sitting in that chair means not listening to my subject, then go back to your chair now Mr. Dela Fuente!" Saway sa kanya ni ma'am "Pinagbigyan na kitang umupo jan dahil ang sabi mo mas makikinig ka pa sa klase, pero mukhang kabaliktaran ang ginagawa mo ngayon" dagdag pa ni ma'am







Scam yan ma'am -_-








"I wasn't just looking at you ma'am, but I'm listening" kalmadong depensa nya naman








Hilig talagang magpalusot -_-







Mabilis na lumipas ang oras, nang matapos ang klase ay bumalik na ko sa kwarto ko para makapagpahinga at gumawa ng assignment. Nang matapos gumawa nang assignment ay dumiretso na 'ko sa sala ay nanood muna nang TV nang may biglang kumatok




"Austin! Papasukin mo ko daliii!!!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Klyde sa may pinto habang paulit ulit na kumakatok.




Akmang tatakbo na ko para pagbuksan sya nang pinto ng mapansin naman ang suot ko. Naka puting sando lang ako ngayon at light blue na panjama, suot suot ko din ang kulay pink na headbang binigay sakin ni Coach nung nakaraan.







Sh*t bakit ba kasi sya nandito?! At sa ganito pang oras?!







Dali dali akong tumakbo papasok nang kwarto para kumuha nang jacket, agad ko ding tinanggal ang headban sa ulo ko saka muling tumakbo pabalik sa sala. Makailang beses pa kong kamuntikang matisod bago makarating sa pinto






"Aaauusssttiiii---a-arraaaay!" Sigaw nya nang bigla ko syang sambunutan papasok nang kwarto ko




"Shhh! Ano ba?! Curfew na ah, ba't ka pa nandito?" Inis na tanong ko sa kanya



Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon