CHAPTER 5: Closer

1.6K 135 16
                                    



Drake's POV

Ewan ko kung totoo ba yung nakita ko o namimilikmata lang ako..but there's really something on that guy

Sinamahan ko ngayon si Dos dito sa washroom para tanggalin yung nilagay nung lalaking yun sa mukha nya, impressive indeed. Sya lang ang gumati sa mga binubully ni Dos,and he's character is pretty funny...but I'm not sure if it's right to call him 'He'

Austin's POV

Pagminamalas ka nga naman,dahil tuloy sa nangyari kanina napalinis ako nang likod nang school.

Lumipas na din ang Recess kaya dumiretso na muna ako sa cafeteria para kumain nang sakto namang may dalawang lalaking lumapit sakin

"Uy!Diba ikaw si Agustin?"tanong nung naka maroon na t shirt

"O-oo"ilang kong sagot,agad naman nya akong inakbayan

"Saludo ako sayo pre!"saad nya,umakbay din naman sakin yung isa na ikinataka ko

"Nga ako din! Nung kami kasi pinagtripan ni Dos wala kaming lakas nang loob na pumatol kasi anak sya nang may ari nitong school eh" saad naman nung naka kulay green na t-shirt na syang ikinalaki naman nang mata ko

Pakers anak sya nang may ari nang school na to??!!

"Oh pre namumutla ka ata?gutom ka na nu?"tanong pa nung naka maroon sakin

"Ikaw kasi eh, dapat pinakain muna natin. Ang payat na nga nyan,mas papayat pa lalo eh"saad naman nung naka green

"Tara,pila na tayo"Aya ko na lang sa kanila

Hindi ako mapakali,at napapatingin sa paligid dahil baka magkita kami nung Dos na Yun,naku!lagot talaga ako neto!

Pagtapos umorder ay dumiretso na kami sa isang lamesa,at dun na kumain. Di ko naman maiwasang matuwa sa kanila dahil sa parehong kakulitan nila,sa tingin ko magiging magka vibes kami neto

"Oo nga pala ako si Laurent,Rent na Lang"pakilala nung naka maroon

"Ako naman si Eros"pakilala nung naka green

"Austin" pakilala ko na din,nakita ko namang nagtaka sila

"Akala ko ba Agustin?"tanong ni Rent

"Austin, Agustin pareho lang naman eh!"sagot naman ni Eros kaya napatango na lang si Rent

"Ahh, pero maiba Lang...bakla ka ba talaga?"tanong ni Rent kaya agad naman akong nabulunan

"Yan kasi eh sira ulo ka talaga!"bintang sa kanya ni Eros saka ito binatukan

"Aray naman!eh malay ko ba!"

"O-okay Lang"sagot ko saka umubo pa nang kaunti pagtapos makainom nang tubig "Hindi nga kasi ako bakla, babae ako"sagot ko,nakita ko pang nagtinginan sila bago humagupak nang tawa

"Wahahahaha,bakla ka nga hahaha"si Eros

"Hahahaha di mo sinabi,joker ka pala Austin hahahaha"si Rent

Ba't ba kasi ayaw nyoko paniwalaan??! >_<

Napasimangot na lang ako sa reaksyon nila saka pinatuloy Ang pagkain,masasayang lang laway ko sa mga to di rin naman ako papakinggan -_-

Matapos ang recess ay bumalik na uli kami sa room namin.
Binuksan ko nang bahagya Ang pinto nang makitang natanggal ang tali nang sintas ko,agad naman muna akong yumuko para sana itali ang sintas ko nang may biglang nahulog na pulang pintura at lata nito kaya agad akong napaatras

Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nabuhusan nung pintura,tinali ko nang tuluyan ang sintas nang sapatos ko sakto namang dumating na ang subject teacher namin

"What happened here??"gulat nyang tanong, napatayo naman ako

"Ewan ko nga Po sir eh,mukhang umulan po ata nang pintura. Buti nga di ako nabuhusan eh"sagot ko saka nagkibit balikat, Kita naman ang pagtataka sa mukha ni sir

Tinawag nya ang mga kaklase ko at pinalinis nung natapong pintura,bago tuluyang pumasok nang room.

Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa upuan ko nang salubungin naman ako nang matatalim na tingin nung Dos. Napalunok na lang ako saka umiwas nang tingin, pasimple ko pa munang kinapa ang upuan ko dahil baka may kung ano syang ginawa dun, pasalamat naman ako dahil ayos lang ang upuan ko

Lumipas ang oras at mas lalong nagiging weird ang araw na to,una muntik na ko madulas sa balat nang saging sa gitna nang hallway pero dahil kasama ko si Crimson agad nya kong binalaan

Nakakapagtaka namang umulan nang pintura saka may lumitaw na balat nang saging sa gitna nang hallway diba?

Pagtapos naman maglunch ay dumiretso na kami ni Crimson sa lockers room,binuksan ko ang locker ko saka umabante para lumapit pa nang madapa ako

Nakita kong naapakan ko nanaman ang sintas nang sapatos ko,inis naman akong umupo at tinali ito. haisss bakit ko ba kasi sinuot tong sapatos na to??kaya ayaw na ayaw ko ang di sintas na sapatos eh, lagi kong naaapakan yung tali!

Pagkatayo ay pinagpag ko muna ang kamay ko saka hinarap ang locker ko,nang laking gulat ko namang makitang puno to nang malalagkit na kulay berdeng likido

Yung gamit ko!!!

Hinawakan ko ang pinto nang locker ko nang may dumikit na kulay berde sa kamay ko,agad ko namang inamoy kung ano yun..

"Slime?"taka kong tanong, tumalikod naman ako para sana harapin si Crimson sa katapat na locker ko nang makita ang isang lalaking natabunan nang berdeng likido na Yun na nasa tapat ko na,napaatras naman ako nang bahagya

Pinunasan nya ang mukha nya at laking gulat ko nang makitang si Crimson pala yun,nakapoker face pa rin sya pero bakas ang pandidiri at inis sa mata nya

"Pft--a-anong nangyari sa mukha mo?"tanong ko sabay turo pa sa mukha nyang mukhang tae WAHAHAHA!

"Tss, don't you dare laugh at me"banta nya,pero huli na dahil natawa ako nang malakas sa pagmumukha nya

"Wahaaahahaha! P*ta wahahahahaa! Y-yu--"udlot kong kantyaw sana sa kanya nang bigla nyang ipunas sa mukha ko yung slime,napasimangot naman ako saka binawian nya nang tawa

"Hahahahaha sino ngayon mukhang ewan satin ha?"kantayaw nya pa,agad ko namang pinunasan ang mukha ko at napadura pa tuloy dahil may nalasahan akong mapait na ewan,nakakain ata ako nang slime,hayup na to!

"Pwe!pwe! Sira ulo ka talaga,pinakain mo sakin eh!" Singhal ko pero lumakas lang ang tawa nya. Kaya sa huli nagtawanan na lang din kami sa mga pagmumukha namin

Langyang second day of school toh! HAHAHA!

_______________________________

Laurent Nevice Dela Luna 

Lah kayo bat nyo pinaiyak si Rent??🤣🤣🤣

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lah kayo bat nyo pinaiyak si Rent??🤣🤣🤣


Ps. Matinong pics are on the multimedia 😅

Photo is not mine credits to the rightful owner and to dakilang Google!!!

Vote saka comment pa more!!!

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon