Chapter 56: Date

882 79 36
                                    


2 days ko din tong sinulat dahil nauubusan talaga ako nang words para dito HAHAHAHA, hirap gumawa ng kilig scene nang walang love life, charot!!! HAHAHAHA

Ilag sa typoooo!!! Nyapii reading!!!❤️✨😘











Austin's POV








"Uy ayan na ang lovebirds!"





"Anak ka nang tokwa! Magkaholding hands pa oh!"






"Hoy! PDA, respeto sa single! HAHAHAHA!"





"Official na ba yan? Hahahaha"






"Ano Dos nasampal ka ba nang bulak--aray! Pikon ampucha HAHAHA!" Kantyaw ni Tres Kay Dos nang bigla sya nitong batukan. Nagtaka pa ko nung una pero di kalauna'y natawa na lang din



"Assh*le" dinig ko pang mura sa kanya ni Dos bago naupo sa tabi ko. Mas lalo lang namang natawa si Tres sa kanya







Kasalukuyang nakapabilog ang mga upuan dito sa may gitnang row kung saan ang tunay na upuan ni Dos katabi si Tres. Lahat kami ngayon ay nakaupo sa nakapabilog na upuan maliban kanila Rent, Klyde, Wes at Clinton na nakaupo sa may armchair ng iba.






"Anong meron?" Tanong ko





"Wala naman, bukod sa pinaguusapan namin kayo nila Dos kanina, napagusapan din naming tanungin si Crimson kung ayos lang sa kanya na mag overnight tayo sa sabado para sa birthday nya" mahabang sagot naman ni Rent





"So...Where is he?" Tanong naman ni Dos. Napatingin naman ako sa paligid nang mapansing wala nga si Crimson







Oo nga no? Asan na yung delubyong yun?






"Probably late again... He's been like that these past few days" sagot naman ni Xeon dahilan para napakunot ako





Pansin ko ngang simula nung iniiwasan nila ako dati 'e lagi nang nalelate si Crimson, minsan naman ay sabay pa sa subject teacher kung dumating.





Ano kayang nangyari dun?





"Malamang tulog pa yun! Madaling araw na din silang nag usap nung girlfriend nya kanina eh! Hahahaha!" Biglang singit ni Clinton sa usapan dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.





Girlfriend?





Bigla kaming nagkatitigan ni Dos na puno nang pagtataka bago muling ituon ang atensyon sa kanila




"Girlfriend?" Tanong pa ni Tres



"Hehehe ang totoo...Hindi ako sigurado, pero nakita ko si Crimson kaning madaling araw na may kausap na babae sa may parking lot. Hindi ko nga lang nakita yung mukha nung babae" sagot naman ni Clinton

"Wait! naalala ko nung lumabas kami ni Kelly after class, nakita ko si Crimson kasama sya!" Biglang singit naman ni Wes. Mas lalo akong napakunot






Sinong sya?






"Sino?" Tanong naman ni Matthew nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Crimson na mukhang inaantok pa.




Maayos naman ang damit nya, pero magulo pa nang kaunti ang medyo basa nyang buhok. Halatang bagong ligo at kinapos na sa oras para mag ayos.






Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon