Chapter 126: Noche Buena

275 24 9
                                    

Austin's POV

Pagkabalik nila mama at ate galing palengke ay nagsimula na kaming magluto nang mga ihahanda para mamaya. Na una ang dessert na kailangan pang palamigin tulad ng mango float saka fruit salad. Kasalukuyang nagluluto si mama ng spaghetti habang gumawa naman si tita ng baked mac. Nasa sala naman si papa na kasalukuyang nagtatanggal ng mga dahon ng malunggay habang nanonood dahil hindi maiwanan ang pinanonood na basketball.

"Uy, ano yan?" Tanong ko kay ate Quin pagkarating sa kusina nang makitang magbukas sya ng all purpose cream.

"Chocolate eclair." Pasosyal na sagot nya habang nilalagay ang all purpose cream sa bowl. Napataas naman ang dalawang kilay ko.

"Wow taray, sosyal ah" manghang komento ko naman.

"Of course!" Taas noong sagot nya pa.

"Oh, eto pa, Dos oh." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si ate Debbie na magdala nang sandamakmak na hugasin sa may lababo. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ang kahoy na kasalukuyang nakatalikod samin habang nagbabanlaw ng sandamakmak na hugasin.

Dali dali akong lumapit sa kanila at sinaway si ate. "Hoy ate, Ba't s'ya pinapahugas mo Jan? Eh wala ka namang ginagawa ah! Dapat Ikaw dito!"

"It's okay--" giit nang kahoy na agad ko namang tinutulan

"Anong okay ka jan? Ba't Ikaw gumawa nyan?--"

"Nag insist sya bruha! Saka isa pa, Ikaw kaya 'tong kanina pa walang ginagawa! Kakatapos ko lang mag marinate ng mga manok. Tutulog tulog ka kase!" Putol naman sa'kin ni ate Debbie habang nakapamewang pa. Napapagitnaan namin ngayon ang kahoy.

"Tabi, ako na Jan!" Napilitang prisinta ko naman nang bigla nya 'kong wisikan nang tubig sa mukha dahilan para mapapikit ako at mapaatras ng bahagya.

"Ako na." pagmamatigas nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Ako na. Tignan mo nga yang kamay mo oh..." Hinablot ko ang palapulsuhan nya para iharap ang palad nya sa kanya. "Kumukulubot na. Ilang oras ka na ba nilang pinaghuhugas dito ha? Tignan mo oh, putlang putla na yung kamay mo." Sermon ko. Tahimik lang naman na nakatingin sakin ang tukmol na parang kawawang batang napagalitan.

"OA mo naman. Parang tubig lang Austin, hindi nya ikamamatay yan." Komento naman ni Ate Debbie saka napailing na naglakad palayo sa'min

"Tumabi ka na daw kasi Dos, galit na nanay mo oh!" Biro naman ni Ate Quin sabay tawa. Napasimangot naman ako nang matawa ang kahoy pati si tita na nakikinig lang rin pala sa'min. Pokerface naman si mama na talagang nagcoconcentrait sa pagluluto ng spaghetti.

Sa huli ay tumabi ang Dos por dos para bigyan ako ng space. Inis naman akong pumalit sa pwesto nya at nagsimulang maghugas ng mga sandok na ginamit nila sa kanina sa pagluluto.

Tsh! Hindi na sila nahiya. Bisita sila tita at ang kahoy dito kaya dapat kami ang gumagawa ng mga 'to. Isa pa, hindi naman sanay sa ganitong gawain yung kahoy na yun eh! Hindi lang nagsasalita si tita pero panigurado ayaw nya ding gumagawa ng mga ganitong gawain yung anak nya. Imbis na maghugas ng plato at tumulong sa pagluluto, dapat nga naguusap pa din sila ngayon eh. Bonding! Ilang taon silang hindi nagkasama, kaya dapat hindi nila sinasayang ang mga ganitong oras sa paggawa dito sa bahay!


"Ako na magsasabon, Ikaw na magbanlaw" Hindi pa nga umaabot ng isang minuto nang lumapit sa tabi ko ang Kahoy at agawin ang sponge sa kamay ko. Taka naman akong napatingin sa kanya. "Marami pang hugasin. Malaki naman ang lababo. Jan ka, dito ako" tukoy nya sa double sink namin. Akmang ibubuka ko pa sana ang bunganga ko para magsalita nang pigilan nya agad ako.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon