Chapter 36: Kamusta

1.1K 106 10
                                    



Austin's POV

Nagising ako sa sinag nang araw, asar kong kinuha ang kumot ko para ipantakip sa mukha ko nang maalalang nasa malaking freezer pala kami ni Dos.

"Dos!" Agad akong napaupo para hanapin si Dos,pero nagtaka nang makitang nasa kwarto na uli ako

Anong nangyari? Ba't nandito na uli ako?

"Austin?! Thank goodness you're awake!" Napalingon ako kay Crimson na nakaupo lang pala sa gilid nang kama ko, agad namang bumilis ang pintig nang puso ko nang bigla nya akong yakapin

"T-teka panong nandito nako?" Taka kong tanong saka agad na bumitaw sa pagkakayakap nya "saka si Dos, anong nangyari sa kanya?" Kinakabahang dugtong ko pa,pero agad akong napakunot nang hindi nya man lang pinansin ang huling tanong ko at simpleng ngumiti

"I'm sure you're hungry, I prepared breakfast for us. Wait I'll get it for you" Saad nya pa saka nagmamadaling pumunta nang kusina, gusto ko mang tumanggi ay hindi ko magawa

Pagkain yun eh!

Kaya sumunod na lang ako sa kanya sa may kusina at naupo sa isang silya habang pinapanood syang maghain. Napasulyap pa sya sakin saka muling ngumiti pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang suklian iyon. May parte pa din sakin na nagaalala kay Dos

Ano na kayang nangyari sa sira ulong yun? Di kaya naging ice age na sya?? Hala shems!

Tahimik lang kaming kumain kahit na kanina pa 'ko binabagabag nang mga tanong sa isip ko,pero dahil sangkot dun si Dos ay paniguradong wala akong makukuha ni isang  sagot. Ayoko na ring pagsimulan pa to nang panibagong tampuhan namin dahil baka dumoble lang ang sakit nang ulo ko

Sa kalagitnaan nang pagkain ay napansin kong hindi ata sya nagmamadali, agad ko namang napagtantong tanghali na pala at sobrang late na kami kaya agad akong napatayo sa pagkataranta sa ikinagulat naman nya

"Late na tayo!" Naiusal ko pagkatayo pero ang delubyo tinawanan lang ako

"It's Saturday, but feel free if ganun ka talaga kasipag mag aral" kantyaw nya pa dahilan naman para mapasimangot ako at padabog na bumalik sa pagupo

"I was worried sick about you... I thought you'll never wake up again...I'm sorry Austin, im sorry if i acted like a kid" Ang mga ngiti nya ay unti unting naglaho at napalitan nang lungkot habang binibigkas ang mga salitang yun sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumikip din ang dibdib ko habang pinagmamasdan sya sa ganung kalagayan

"A-ano bang pinagsasabi mo ha? Anong drama yan?" Pilit akong tumawa para pagaanin ang sitwasyon pero napangiwi ako nang agad syang lumapit sakin at niyakap ako muli

Gusto ko mang lumayo ay hindi ko magawa dahil sa paghuhurnamentado nang puso ko, kaya sa huli ay ilang ko na lang syang niyakap pabalik



"I'm sorry, I know i don't have rights to get jealous...I know it's wrong to act like you belong to me.. I'm sorry Austin"


NAKATULALA lang ako ngayon habang nakatingin sa magandang tanawin mula sa ibaba nang mahiwagang fire exit na pinakita sakin ni Clintong bumbay nung nakaraan. Matapos nang nangyari kanina ay umalis na din si Crimson dahil may training pa sila para sa darating sa liga. Lahat nang mga kasaling Athletes ay busy kakapractice kahit sabado pero hindi naman sila whole day kaya nakakapagpahinga pa rin sila.

Hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano nga ba talaga ang nangyari kahapon,kung ayos lang kaya si Dos. Gusto ko sanang pumunta nang Gym para tignan kung ayos lang ba sya since kasali din naman sya sa team, Team captain pa nga daw eh! Pero hindi ko magawa dahil panigurado nandun din si Crimson, hindi naman sa iniiwasan ko sya pero... sabihin na lang nating kailangan kong makapagisip isip kahit na mukhang wala naman talaga akong isip. Saka para iwas gulo na din,kung Crimson plus Dos pa nga lang tensyon na eh,plus ako pa! 'e panigurado equals tug of war na Yan!

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon