Chapter 48: 10 million

869 71 8
                                    






Austin's POV




Kasalukuyan lang akong nakaupo ngayon sa isa sa mga upuan nang classroom namin habang nahihiyang nakatingin kay Dos na may kainakausap sa cellphone nya...


"Okay...I'll see you later...mm..." Dinig kong saad nya pa sa kausap bago ibaba ang linya


Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon. Parang kanina lang halos mamatay matay na ako sa kaba dahil sa pinagsasasabi ng Dos por dos na to, tapos ngayon nanaman eto! May bigla na lang magpapakalat nang picture namin ni Crimson na kala mo e may ginagawang kababalaghan!



Sya naman kasi yung humalik sakin eh!!! >.<




Agad akong napaiwas nang tingin nang biglang magtama ang paningin namin. Dinig ko naman ang malakas na buntong hininga nya



"G-galit ka ba?" Wala sa sariling tanong ko habang nakayuko padin

Naman oh! Mukha na kong pitpit na inipit dito eh!

"It would be a lie if i said no" dire diretso nyang sagot, dahilan para mapakagat ako sa ibabang labi ko at mas lalong mapayuko "But it doesn't matter, what's more important now is that we need find out who send all the pictures" seryosong sambit nya kaya naman napilitan akong maiangat ang paningin sa kanya


Ayan nanaman sya sa pagiging cold nya, hindi talaga ako sanay T^T

Napayuko na lang ako uli nang maalala ang mga sinabi at ginawa nya kanina...





* * * * * Flashback * * * * *



"Tell me I'm insane, but I just fell for a gay like you Austin. And I don't f*cking care anymore"


Mas lalo nanamang bumilis ang tibok nang puso ko matapos nya sabihin ang mga salitang yun. Wala akong mapagkumparahan nang mga nararamdaman ko ngayon dahil ang alam ko lang ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ako lang ba ang naaapektuhan nang ganito dahil sa sinabi at ginawa nyang paghalik sakin, na ultimo buong sistema ko ay talagang yanig na yanig...




In short may 8.5 magnitude na lindol ang kasalukuyang sumisira sakin ngayo, at kailangan ko pang mas maghanda para sa paparating pang mga aftershocks T^T





Naging sunod sunod ang paglunok ko nang bigla syang ngumiti at marahang hawakan ang kamay ko, habang nakatingin dito. Mukhang tanga din naman akong hinayaan sya habang pinapanood kung paano nya isik sik ang mga daliri nya sa pagitan nang mga daliri kong parang pinasok sa freezer, dahil sa lamig, pamumutla, at panginginig. Nahihiya naman akong umiwas nang tingin sa kanya nang mahina syang natawa





Sheemmss naman Austin, wag kang masyadong kabahaaan. Yung puso mooo!!! >~<








"Let's go? For sure gutom ka na" ngiti ngiting aya nya






Grabe naman to! Ganun ba ko kamukhang patay gutom, ha??






Lumipas ang ilang minutong nagmukha akong tangang sunod sunuran sa kanya dahil sa kakaibang pakiramdam na to, pero agad naman akong nagising sa realidad nang marinig ang ingay nang mga estudyante na nagmumula sa loob ng cafeteria



Hala shetemaru! pupunta nga pala kami nang cafeteria!!!


Nang malapit na kami sa pinto nang cafeteria ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak nya at bahagyang umatras, dahilan para mapahinto kami sa paglalakad. Agad nya naman akong nilingon, nang may pagtataka



Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon