Chapter 106: Drift Apart

516 50 19
                                    

Okay after an eternity na paghihintay eto lang ang mabibigay ko hahahaha charot! Sorry mga bb's kung super duper natagalan, wag na kayo magtanong kung bakit dahil baka imbis na etong chapter na to ang basahin nyo ay baka maintriga na lang kayo sa mga nangyayari sa buhay ko nitong mga araw na wala akong update hahaha

So ilag sa typooo!!! Nyapii reading mga bb's! 😘

Austin's POV

"Ang lakas din nun ha, alam mo bang masakit yun?"

"It wasn't my fault! Humarang sya eh!"

"Sus! Mabait lang yan kasi nanjan ang future mother at father in-law nya, pero mamaya lagot ka!"

"Kita kits na lang kayo ng palad namin sa parking lot--aray!"

"Stop it. Your scaring her. I'm sorry about them, don't worry hindi ka namin a-abangan sa parking lot mamaya"

"I'm not scared! Kung sampalan lang din naman, go ahead! Champion ako samin pagdating jan"

Napangiwi ako habang pinapanood ang mga tukmol na takutin si Brent na ngayon ay natigil na sa pag-iyak at todo naman pagtataray sa kanila.

Kita mo tong mga 'to, kung makahingi ng tawad kanina akala mo kung sinong mga sincere. Sa huli pagbabantaan din pala -,-

"Pst! Anak" agad akong napalingon kay papa nang tumabi sya samin. Napatingin din sya sa mga tukmol na ngayon ay pinapaulanan na ng kung ano anong mga tanong si Brent

"Kaano ano mo ba si Clinton?"

"Pinsan?"

"No"

"Tita ka ba nya?"

"Excuse me?! Do i look like that old to you?!"

"Ah, baka Lola! HAHAHA!"

"WAHAHA! G*go!"

Tsh! Mga sira tukmol talaga -,-

"Mga kaklase mo ba yan?" Tanong ni papa, napatango naman ako bilang sagot

"Pati din ba yun?" Napatingin naman ako sa kanan ko nang marinig ang boses ni mama.

Eto talaga si mama bigla bigla na lang sumusulpot. Sa'n naman kaya sya nangaling?

"Yung kausap nila tita mo?" Tukoy pa ni mama sa kahoy na syang kausap ngayon nila tita Agnes at ng mga magulang ni Clinton

"Opo" sagot ko sabay tango pa

"Eh bakit puro ata lalaki?" Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapatanong naman ulit si papa "Wala ba kayong mga kaibigang babae ni Clinton?"

"Uh...ano...-"

"Hoy bata ka! Wag mo sabihing hanggang dito, dinadala mo pa din yang pagiging tomboyin mo?!" Sabat naman ni mama

"Ma naman! Hindi nga sabi ako tomboy eh!" Tanggi ko

"Eh bakit puro sila lalaki? Saka hindi kami bulag ano, nakita namin kung paano ka paligiran ng mga kaklase mo kanina na para kang lider ng sindikato" apila pa ni mama dahilan para manlaki naman ang mga mata ko

"Ma! Ano bang pinagsasasabi mo?" Nahihiyang saway ko sa kanya saka napasulyap sa mga tukmol na mukhang narinig din ang paguusap namin

"Oh, eh kung hindi ka tomboy, ano mo sila aber? Alanganin namang boyfriend mo silang lahat? Aba! Ang ganda mo naman!" Sarkastikong dagdag ni mama. Dinig ko naman ang mga hagikgik ng mga bwiset na tukmol na yun, kahit sila Yany at Aze na nasa likuran lang din pala namin ay dinig kong natawa din. Napangiwi ako.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon