Chapter 65: Doubts

737 54 9
                                    







Austin's POV



"Mr. Laurent Dela Luna! Ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" Sita sa kanya ni ma'am Duran


Kasalukuyan kaming nagku-quiz nang bigla akong mapatingin sa gawi nila Rent at Matthew na syang magkatabi ngayon.

"Nangongopya ma'am..." mahinang na sagot naman nang mokong dahilan para manlaki ang mga mata ko habang natawa naman ang iba samin




"Huleeee HAHAHAHA!"








"Wow tapang ah, harap harapan! HAHAHA!"








"Ay ba't ka naman umamin?! Sayang tol! Hahaha!"









"Shut up!" Saway ni ma'am sa kanila saka muling humarap kay Rent "Give me your paper!" utos nya pa. Napa 'ohh' naman ang iba sa mga tukmol


"Teka lang ma'am hindi pa ko tapos eh--"

"Then you shouldn't have cheated!"

"Eh ma'am sabi nyo po kasi copy and answer eh" pagdadahilan nya pa. Napabalot naman ang buong room ng tawanan



Langya hayup sa palusot ah!



"Excuse me"



Lahat kami ay napalingon sa pinto nang biglang kumatok si Miss Guzman at agad na ngumiti samin. Napahinto naman tuloy si Ma'am Duran sa panenermon kay Rent at lumapit sa kanya, may kung ano pa silang pinagusapan saglit bago napatango si ma'am Duran at humarap sa direksyon ko




"Mr. Vermilion, go the Dean's office" utos ni ma'am Duran dahilan para manlaki naman ang mga mata ko at mabalot nang katahimikan ang buong room



"I'll go with you" lahat naman kami ay napatingin kay Dos nang bigla syang tumayo at nagpresinta, pero agad din namang pinigilan nila ma'am



"No need Mr. Dela Fuente, I'll escort him" tipid na ngiting pigil naman sa kanya ni Miss Guzman, pero ang Dos por dos mukhang ayaw talagang magpaawat kaya ako na din mismo ang pumigil sa kanya


"A-ayos lang, saglit lang naman siguro...diba ma'am?" Medyo kinakabahan kong tanong kay Miss Guzman dahilan para ibaling nya naman sakin ang paningin nya saka muling napangiti nang matamis




"Of course"









Ilang minuto lang ang lumipas at tahimik lang kami ni Miss Guzman na naglakad papuntang Dean's office, habang halos matanggal naman ang dibdib at baga ko dahil sa kaba at hirap sa paghinga.



Ano nanaman kayang meron?



"Miss Vermilion, Please take a seat" salubong agad sakin nung Max, agad naman akong napaupo sa isang upuan katapat nang lamesa nya "Thanks Ms. Guzman" napatango pa si Miss Guzman saka ngumiti bago umalis




"Uh...B-bakit nyo ho ako pinatawag?" Tanong ko na agad nang kaming dalawa na lang ang matira sa opisina nya, napabuntong hininga naman sya bago sumagot




"Didiretsuhin na kita Miss Vermilion. Does my son know that you really are a girl?" Seryosong tanong nya. Muli ko nanamang naalala ang naging usapan namin ni Dos sa clinic kanina







* * * * Flashback * * * *


"A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ko


Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon