Chapter 37.7: Lunch Break 2/2 (Kiss)

918 77 12
                                    





Continuation...



Austin's POV


"Hoy! Ano Yan ha?!"

Gulat kaming napalingon nila Dos sa pinto nang marinig ang sigaw nang isang lalaki, pero agad naman akong nakahinga nang maluwag nang mapansing sa labas pala galing ang sigaw na yun. Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa panandaliang kaba saka muling hinarap ang dakilang Dos por dos na bakas din ang gulat sa mukha nya

"Bumalik na kaya tayo? Anong oras na oh" Aya ko nang mapansing 12:49 na nang tanghali, ilang minuto na lang at magsisimula na uli ang laro


"Yeah, I think we should go" sang ayon nya kaya agad naman kaming nag ayos saka ibinalik ang phone ni Crimson sa bag nya at dali daling lumabas


Habang naglalakad ay saka ko lang naisipang hanapin si Crimson sa kanya


"Oo nga pala asan na si Crimson? Bakit walang tao sa room nyo?" Tanong ko

"I think he's having lunch with Dean Suares, yung iba...hindi ko alam kung saan" pormal na sagot nya kaya napaisip naman uli ako

"Eh ba't hindi nya dala ang phone nya?" Tanong ko pa uli,bahagya naman syang napakunot habang nakatingin sakin

"Ba't ako tinatanong mo? Ako ba sya?" Sarkastiko nyang tanong kaya napakamot naman ako sa ulo ko

"Sabi ko nga..." Nasabi ko na lang saka nagbuntong hininga, muli nya namang ibinalik ang paningin nya sa daan"Oo nga pala, Kayo ni Tres nakapaglunch na Kayo?" Tanong ko kaya muli nanaman syang napatingin sakin


"O-oo tapos na. Dinalhan ko na lang sya nang lunch sa clinic, saka sabay na kaming kumain" paliwanag nya naka kaya napatango naman ako

Patuloy lang kami sa paglalakad at napansin kong dumalang na lang ang mga taong naglalakad ngayon, siguro dahil malapit na din matapos ang lunch at nakakain na ang lahat. Maging maaliwalas ang daan na kanina'y binabalot nang sangkaterbang estudyante mula sa iba't-ibang school.

Agad naman akong napangiti nang bigla kong makita si Crimson, Tulad ni Dos ay suot nya pa din ang gray na Jersey nila at mukhang may kausap. Hindi sila ganun kalapit sa isa't isa kaya nakatuon lang ang atensyon ko kay Crimson, akmang tatawagin ko pa sana sya nang agad na lumapit ang babaeng kausap nya at walang pakundangan syang hinalikan mismo sa labi!

Tuluyan akong napahinto sa paglakad habang pinapanuod ang gulat nyang mukha nang halikan sya ni Envy. Napakunot ako dahil sa biglaang lungkot at pagkadismayang naramdaman, hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang paginit nang mga mata ko at unti unting pangingilid nang luha ko lalo na nang makita kung paano sya napapikit at tumugon sa halik nito, hanggang sa nagulat na lang ako nang may kamay na tumakip sa mga mata ko dahilan para maudlot ang pagbagsak nang nagbabadya kong luha



"J-just don't watch...if it hurts, don't watch" dinig kong bulong ni Dos sa tenga ko dahilan para mapalitan nang pagtataka at kakaibang kaba ang kaninang lungkot na naramdaman ko






Dos's POV



"J-just don't watch...if it hurts, don't watch" I can't help but say those words that I should've said a long time ago, while still covering his eyes and watching Crimson kiss her back

Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako...

Naiyukom ko ang kabilang kamao ko dahil sa inis. Pakiramdam ko naulit lang uli ang nangyari dati...




Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon