Chapter 81: Affair?

769 60 26
                                    



Austin's POV

"M-magandang umaga ho" pinaghalong kaba at hiya ang naramdaman ko nang tignan ako nang ama ni Dos matapos syang patuluyin ni tita. Napangiti sya saka bahagyang napatango pa sa'kin

"Have a seat" Aya sa kanya ni tita na maupo sa sofa, ramdam ko namang mukhang seryoso ang paguusapan nila kaya nagpaalam na agad ako

"Uh...Tita,mauna na ho muna ako sa kusina--"

"No, please stay" Pareho kaming gulat na napatingin ni tita sa kanya nang pigilan nya 'ko. Napakunot naman ako

Nakita kong napabuntong hininga sya na para bang may bitbit na napakalaking problema. Napatingin naman ako agad kay tita nang tanguan nya 'ko kaya napaupo rin tuloy ako sa katapat na sofa ni Tito Max

Chur! Makikitito na lang din ako para naman magalang tignan hehe

"You seemed very serious, what is it Max?" Tanong agad ni Tita, napabuntong hininga naman si Tito Max bago sumagot

"It's about what happened last night" bakas ang pag-aalala sa mukha ni tito Max "My wife was very furious about what happened and I know it was you Austin" bigla syang lumingon sakin dahilan para kabahan ako at mapalunok. Napatingin ako kay tita Agnes na diretso lang din nakatingin kay tito Max habang nakakrus pa ang mga braso

"So what do you want us to do? Beg for your wife's forgiveness?" Bakas ang inis at pagiging sarkastiko sa boses ni tita Agnes dahilan para mapabuntong hininga ulit si tito Max. Nagpapalit palit na ngayon ang tingin ko sa kanilang dalawa

Kagabi ko pa napapansin na mukha ngang hindi masyadong magkasundo si tita Agnes at ang ina ni Dos, samantalang mukhang close naman sila nang asawa nito. At base rin sa mga sinabi ni Tita Agnes kagabi ay mukhang marami syang alam tungkol kanila Dos. Nacurious tuloy ako... Gaano nga ba kalapit si Tita Agnes sa pamilya nila Dos?

"No, of course not. Besides it was Dos's fault, i'm sorry if he dragged you into this" hindi ko naman inaasahang magsosorry si tito Max. Napakurap ako

"Bakit ba ang hilig nyong sisihin yung bata?" bakas ang inis sa tanong ni tita Agnes kaya muling nabaling ang paningin ko sa kanya "So what if they danced? wala akong nakikitang mali dun" dagdag pa nya na sya namang ikinataas nang dalawang kilay ko

Ay wow taray! maypa change of heart si Tita, parang kagabi lang yan din yung nirarason nung bumbay sa kanya eh!

"Agnes naman, you know Dad was there. He just came from the hospital. And besides..." napatingin pa sya sakin na para bang nagaalinlangan sa sunod nyang sasabihin. Napakunot uli ako "you know Dos is already meant for someone" dagdag nya na syang ipinagtaka ko nang husto

Teka anong meant for someone??

"Kids aren't born to became business" sagot ni tita

"It's a family matter Agnes, labas ka na dun"seryosong tugon naman ni Tito Max dahilan para mapaiwas si Tita Agnes. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway nang muling tumingin sakin si tito Max "I didn't come here to blame you, I just want to ask you a question" ani ni tito Max, napakunot naman ako

"A-ano po ba yun?" Medyo kabadong tanong ko

"What's your relationship with my son?" Seryoso at dire diretsong tanong nya sakin na sya namang ikinalaki ng mga mata ko

Relationship? Meron ba kami nun?

"A-ano ho..." Napalunok ako


Pano ko ba to sasabihin? Na nanliligaw sakin si Dos? Relasyon bang matatawag yun?


Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon