Chapter 90: Dianne Agnes Sevilla

588 43 20
                                    

Update update lang pag may time HAHAHA, ILAG SA TYPO NYAPIII READING MGA BB'S! Have a blessed holy Monday!!!😇🥰



Austin's POV


*Kkrriiinnngggg!!!

"Alright class, please don't forget to study you notes and prepare for the upcoming examination next week. You may take your recess now, class dismissed" habilin pa ni ma'am bago lumabas ng classroom namin

Thungene, exam nanaman! Parang nung kailan lang kakaexam ko nga lang din sa M.H. eh! T^T

Kamot ulo akong kumuha ng notebook at isang malaking super crunch saka tattoos sa bag ko bago lumabas ng room. Naisipan ko kasi kahapon na magbaon na lang kaysa naman pumunta pa sa cafeteria, eh halata namang hindi ako welcome! -,-

Hangga't maaari din ay ayaw kong makita ang pagmumukha nung Aileen na yun at ang mga alipores nya, hindi man na kami magkaaway pero alam ko din namang ayaw nila sakin. Halata din naman kasi sa kanila na may alam sila sa kung anong meron kami ng kahoy noon, at dahil nga pyansey kunu sya malamang pinapamukha nya na sakin kahapon yun! Tsh, eh pakealam ko naman? Basta mula ngayon focus na talaga ako sa pagaaral! Yun ang pinunta ko dito sa simula pa lang kaya dapat tuparin ko talaga! TAMA!

Nang makarating sa rooftop ay hindi ko naman inaasahang makikita ko doon si Aze. Nakapatong ang parehong siko nya sa ibabaw ng maliit na kongkretong pader ng rooftop habang nakatingin sa ibaba. Bahagya namang nililipad ng mahinang hangin ang parehong buhok at damit nya. Dahan dahan naman akong naglakad pabalik sa pinto ng rooftop nang bigla syang magsalita

"Stop!" Sigaw nya dahilan para mapahinto agad ako

"B-bakit?" Medyo kinakabahang tanong ko naman

"Move a little" utos nya uli ng hindi man lang nakatingin sakin, napakunot ako

"Bak--"

"Now stop!" Utos nya ulit na agad ko namang sinunod

Ano naman kayang trip ng isang to?

"Ready?"

"Ready saan?"

"Tatalon na ko! HAHAHA--" sigaw nya uli na sya namang ikinalaki ng mga mata ko, akmang iaakyat nya na sana ang isa nyang paa sa pader ng rooftop ng agad akong tumakbo sa direksyon nya at pigilan sya

"Hoy! Nasisiraan ka na ba?!" Sigaw ko pa saka agad na hinila ang likurang bahagi ng kwelyo nya dahilan para mapaatras sya at matumba sa sahig, agad naman akong umatras para sana iwasang mabagsakan nya pero hindi sinasadyang makakapag ng bato kaya naman nawalan ako ng balanse at napaupo din sa sahig "Ay p*tang*na ka!" Mura ko ng bumagsak ang pwet ko sa sahig

"What the fu--Austin?!" Gulat na tanong nya ng makita ako, inis ko naman syang tinignan habang pinapagpagan ang mga braso at uniporme ko. Dali dali naman syang bumangon at naglahad pa ng kamay para tulungan akong makatayo, akmang tatanggapin ko na sana ang kamay nya ng bigla nya naman yung ibaba dahilan para maiwan ang kamay ko sa ere "Wait!" Sinundan ko pa sya ng tingin at nakitang kumuha sya kahoy sa tabi at itinutok yung sakin. Napakunot ako

"Ano nanamang kag*guhan yan?!" Tukoy ko sa kahoy na itinutok nya sakin

"Tayo ka na" halos hindi maipinta ang mukha nyang utos sakin. Napangiwi naman ako nang magets kung bakit nya sakin itinutok yung kahoy

Wow ah! Akala mo naman ganun ka dumi yung kamay ko!

"Tsh! Wag na kaya kong tumayo mag isa!" Inis na sagot ko saka tumayo at nagsimulang pagpagan ang pwetan ko, akmang tutulong din sana sya sakin na pagpagan ang damit ko gamit yung kahoy nang agad ko naman yung tabigin "Ano ba! Ilayo mo nga sakin yan!" Saad ko pa, napakamot naman sya sa batok nya saka inihagis yung kahoy sa kung saan

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon