CHAPTER 9: Malisya

1.5K 122 3
                                    






Austin's POV





Kasalukuyan kaming nasa infirmary habang hinihintay na matapos gamutin yung Wes na Isa din pala sa mga kaklase namin. Naalala kong sya din pala yung lalaking binato ko nang libro para hindi lang mabulilyaso Ang plano Kong magvandalism sa mukha nitong Dos na to,kaya kung sakaling mamukaan nya ko at sugurin sasabihin ko na lang 'peace be with you, next time kasi wag pakialamero'


Nang matapos ang nurse sa paggamot sa kanya ay pinayagan nya na kanong makapasok para makita sya,naiwan naman saglit si Dos na kasalukuyang kinakausap nung nurse.
Napalunok naman ako nang makita ang itsura ni Wes na walang malay at puno nang pasa Ang malaki nyang katawan






Sa laki nyang yan nabugbog pa sya??






"Ano bang nangyari pre?"tanong naman sa kanya ni Rent,at since ako si Chismosa nakinig na ko sa kanila


"Ewan nga pre eh,nung namatay kasi ang ilaw may natanggap akong Video,ganun din si Wes tapos may biglang sumapak sakin. Paggising ko hinanap ko agad ang cellphone ko,sakto namang pagbukas ko nang flashlight nakahandusay na si Wes at walang malay. Sa sobrang kaba tumakbo agad ako para humingi nang tulong kay Dos,sakto namang dumating ang ilaw at nakita ko Kayo"salaysay nya





Grabe ano bang nangyayari?? ba't naman may ganito? Eh halos di na makilala yung tao sa dami nang pass eh!





"Any idea who it might be?"singit naman ni Crimson sa likuran ko


"Malamang grupo nila---"agad naman syang napahinto at napatingin sakin tulad nung kay Rent kanina,napairap na lang ako dahil mukhang hindi talaga ako pweding makinig sa usapan nila


"Oo na oo na aalis na ko!"inis ko namang saad saka lumabas nang infirmary sakto namang nakasalubong ko si Dos na inis lang na nakatingin sakin






Problema neto??




Pagkalabas ay nakita ko namang nagsisuguran sina Eros kasama si Tres at iba sa mga kaklase namin, kinamusta pa ko ni Eros bago dumiretso sa loob. Wala naman along nagawa kundi ang umupo sa isang pabango bangko sa gilid nang pinto nang infirmary nang may mapansing akong may sumilip mula sa Left side nang hallway



Ginusot ko pa ang mata ko dahil baka namimilik mata lang ako pero totoo talaga!



Nakasuot sya nang itim na jaket at maroon na Slux.



At dala nang koryusidad ay dahan dahan akong lumapit at sinundan sya







Rent's POV



Patuloy pa rin sila sa pagtatalo kung pupunta ba kami o hinde. Sa totoo lang din matagal na kong hindi nakakapagbasag nang bungo,at mukhang exiting kung lalaban uli kami.

Habang nagtatalo ay naisipan ko munang puntahan si Austin dahil mukhang kawawa naman syang naiwan sa labas nang infirmary,pero laking pagtataka ko nang wala sya dun.

Tinanong ko pang Ang nurse kung Nakita nya ba si Austin pero hindi daw. Dahil sa kaba at takot na baka may nangyari na sa kanya ay dali dali akong bumalik sa pulong nila at sumigaw nang





"Nawawala si Austin!"






Agad namang napalingon Ang lahat sakin lalo na si Crimson.



At hindi sa malisyoso ako pero... feeling ko talaga...ughh... feeling konmay something tong sila Crimson at Austin eh,lalo pa nung makita kong nakaholding hands pa sila kanina--Yuck! P*ta naman oh! Sa dinami dami si Crimson pa talaga!




Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon