Chapter 69: Tampo

787 62 22
                                    


Awheaaat wala na talaga akong maisip na ititle sa chap na to hahaha

Ilag sa typooo!!! Nyapii reading!!!😘❤️💖






Austin's POV


"T-Tres?!" Agad akong napatayo nang makita si Tres sa harap ko na mukhang nagulat din nang makita ako

"U-uy Austin! A-ano... T-tara na, baka naghihintay na sila sa taas eh" ilang na sagot nya sakin habang nakatingin sa kung saan Napakunot naman ako


Wag mo sabihing sya yung humalik sakin?! T*ng*na! Ano bang nangyayari kanina?!


"S-sila?" Bigla akong nakaramdam nang kaunting pagkadismaya at kaba nang marinig ang sagot nya

"W-wag kang mag alala kami kami lang naman nila Crimson, Rent, Eros, Clinton saka Klyde ang nandito, Wala nang iba! Kami lang talaga" sagot nya, pasimple naman akong napahinga nang malalim bago tumango

"E-eh teka, a-anong nangyari sa kanila?" Tanong ko uli nang mapansin ang tatlong lalaking nantrip sakin kanina sa may canteen na sa tingin ko ay kasabwat din nung lalaking nakasuntukan ko sa may hallway na kasalukuyang mga nakahiga ngayon sa sahig at mga walang malay

"Eh... pumalag eh kaya nilabanan na lang din namin" alanganing sagot nya habang hindi pa din makatingin sakin nang diretso "A-ano... Ayusin mo na muna yang sarili mo bago tayo umalis dito" dagdag nya pa at napatango naman ako


Tumalikod ako para isara ang mga butones nang polo ko at ikabit ang necktie ko. Muli ko namang kinuha ang coat sa upuan at akmang susuotin na sana nang mapansing masyado na iyong malaki sakin at suot suot ko pa rin pala ang coat ko. Agad kong nilingon si Tres na puno nang pagtataka at panghuhusga


"Kaninong coat to?" Takang tanong ko kaya muli nanaman syang nataranta at napatingin sa kung saan, bagay na mas lalong ipinagtaka ko. Sinundan ko naman ang direksyon kung saan sya nakatingin pero agad na nagulat nang hawakan nya ang magkabilang pisngi ko at muling iniharap sa kanya

"Kay Crimson! Kay Crimson talaga yan, tinakpan nya yung dibdib mo kanina" nalalaki pa ang mga mata nyang sagot sakin na sya namang ikinagulat ko.

"O-oo na oo na! H-hindi mo naman kailangang lumapit!" Ilang na sagot ko matapos alisin ang mga kamay nya sa mukha ko at bahagyang umatras palayo sa kanya

"Ay! Sorry, sorry!" Paumanhin nya naman saka bahagyang napalayo din sakin, ilang naman akong napakamot sa ulo ko "T-tara na?" Aya nya pa kaya napatango na lang ako bago sumunod sa kanya

Habang naglalakad ay saka ko lang napansin ang napakaraming malalaking tubo na nakapalibot samin, maykalawakan ang paligid pero medyo madilim at tanging ang flashlight sa cellphone lang ni Tres ang nagsisilbing ilaw namin.

"Nasan ba tayo? Bakit andami atang tubo?" Takang tanong ko sa kalagitnaan nang paglalakad

"Underground floor ng school. Mandito nakakonekta ang lahat nang mga ginagamit natin sa taas; mula sa kuryente, mga tubo na dinadaluyan ng tubig sa gripo saka sa mga CR." Paliwanag nya kaya napatango tango naman ako

"Teka! Ibig sabihin nasa school pa din pala tayo?!" Inis na tanong ko. Napahinto naman kami nang taka nya kong nilingon "Akala ko naman kung saan saan na nila 'ko dinala 'e dito lang din naman pala!" Inis na singhal ko nang bigla naman syang matawa

"Eh saan mo pala gusto? Dali papakidnap ka namin ulit" pabirong pamimilosopo nya pa, dahilan para lalo akong mapasimangot

"H-hindi naman sa ganun! Grabe lang kasi yung kaba ko kanina...tapos mga hayup na yan wala naman palang sariling lungga, lakas pa nang loob mangidnap" nakasimangot na protesta ko pa. Naaninag ko naman ang pag iling nya bago muling magsalita

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon