Chapter 150: Graduation

298 15 12
                                    

Austin's POV

3 months later...

"1,2,3, smile!"

Agad kaming napangiti kasunod ng pag-flash ng camera.

Ang bilis ng oras at 1 week na lang graduation na. Matapos kuhaan ng pang graduation pic, isa-isa ay nagpakuha naman kami ng group photo. Suot ko ang naging una kong uniporme dito sa M.H. Nakakatawa nga dahil pareho pang gray ang background at uniporme namin, mas dark nga lang yung background.

"Wakey naman!" sigaw nung photographer kaya agad naman kaming nagsik-sikan sa itim na couch. "Say cheese!"

"Whieezz!" pag-iiba ng mga tukmol dahilan para matawa ako lalo.

Matapos ang group picture ay hindi pa nakuntento ang mga tukmol at hinila pa si ma'am Duran para magpa-picture, gayun din si Coach Kiel. Silang dalawa naman ang pumalit sa pwesto namin ng kahoy sa may gitna ng couch. Nakatayo ang iba sa likod, habang nasa magkabilang dulo naman kami ng kahoy—ako katabi si coach, at s'ya naman katabi si ma'am.

Hindi rin nagpa awat sa kakulitan ang utak elementaryang tukmol at pumwesto pa talaga sa harap namin. Dalawa sila ng bumbay na umupo sa sahig para lang makasingit, sumunod na din sila Tres at Forth na nakisiksik din sa gitna. Nagmistula kaming mga sardinas kaka-compress ng photographer dahil nga hindi na kami magkasya sa background.



"Aren't you going to change?" Napalingon ako sa kahoy nang marinig s'yang magtanong.

"Hehe, maya-maya na lang. Lunch pa naman eh." ngumisi ako. Napailing naman s'ya habang nakangiti din.

"Alright. Let's go." aya n'ya sa'kin. Napatango naman ako.


"What do you want for your birthday?" tanong n'ya habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Bakit? i-su-surprise mo 'ko?" tanong ko habang nagtaas-baba pa ng kilay. Natawa s'ya.

"It wouldn't be a surprise then." Sagot n'ya. Napa-isip naman ako.

Ano kayang pweding hingin pangregalo? Ano bang gusto ko?—teka! may gusto ba 'kong bilhin?

"I might not make it to your birthday, so I'm thinking about giving it to you in advance." Bakas ang lungkot sa boses n'ya dahilan para mapasimangot ako.

"Ayan naman ang hindi pwedi!" Humalukipkip ako. "Ang gusto kong birthday gift, dapat kumpleto tayong lahat. Wala nang kulang." Dagdag ko. Napabuntong hininga naman s'ya.

"But your birthday is still in April. Three days after ng graduation babalik na kami ng Switzerland."

"Isa pa yan! Isasama mo din si tita Agnes, pano ako kami mag-e-enjoy kung wala kayo?"

"Edi kung gusto mo, sa Switzerland ka na lang magdebut." Suggest n'ya dahilan para mapangiwi naman ako. Nagulat pa 'ko nang bigla s'yang yumuko at bumulong sa may tenga ko." Tapos,pakasal na din tayo."

"Wag na lang pala." mabilis ko s'yang tinulak palayo nang muling maghurnamentado ang puso ko. Pasimple kong kinamot ang tenga ko nang maramdaman pa din ang hininga n'ya rito.

Natawa s'ya. "See? I can't just come back here and use your debut as an excuse. Pag nalaman ni Lolo ang tungkol sayo, panigurado Ikaw naman ang susunod na hingin n'ya bilang pasalubong"

"Luh! Ano ako, souvenir?" Sarkastikong tugon ko dahilan para matawa s'ya lalo. Napabuntong hininga ako. "Bakit ba kasi excited ang Lolo mong ipakasal ka? Hindi pa nga tayo nakakatungtong ng college eh."

"Probably to produce a new heir. It's part of the tradition. Supposedly hindi ko naman sana kailangan problemahon ang pagpapakasal ng maaga, kung hindi lang agad nawala si dad." Sagot n'ya. Napanguso naman ako.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon