Chapter 78: No Ends

694 78 65
                                    

BELATED BELATED BELATED NYAPII BORTDAY kay miss Aevrienya🎉🎊🥳 sorry if hindi sumakto sa birthday mo bhie HAHAHA. Sa iba pang readers natin jan na birthday ngayon, nyaappii bortday kaarawan!!!🥳🎊🎉





Not edited, ilag sa typooo!!!


Austin's POV



"Finally, we've met"

Lahat kami ay gulat na napatingin kay Dos dahil sa sinabi nya habang nakatingin sakin. Pinagpapawisan na ang mga kamay ko sa sobrang kaba at pagkailang.

Anong gagawin ko?? Anong isasagot ko dun ha?!

"H-ha?" Taliwas sa iniisip ko ang kusang pagkabigkas nang lintek na 'ha?' na yan. Gusto kong sampalin ang sariling bibig ko dahil sa katangahan nito nang marinig ko naman ang mahinang tawa nya, bagay na bahagyang ikinakalma nang naghuhurnamentado kong puso.

"Y-you know each other?" Biglang tanong nang nanay nya dahilan para sabay naman kaming mapatingin sa kanya

"Hindi!/Not really." Muli kaming nagkatinginan dahil sa sabay na pagsagot namin, pero bago nya pa mamemorize ang buong mukhang ko'y nag iwas na agad ako nang tingin at agad na iniyuko ang ulo ko.

"I see. I'm Agnes. Dianne Agnes Sevilla" pakilala naman ni tita saka nakipagkamay pa sa dakilang Dos por dos "And this is my nephew... Louise" pakilala din sakin ni tita, pero nanatili lang akong bahagyang nakayuko

"Dos. Nice meeting you" tipid na pakilala nya din pero ramdam ko pa rin ang mga mata nyang nakatuon sakin habang nakikipagkamay kay tita Agnes

"Hoy! Diba sabi ko dun ka lang? Muntik na 'kong kaba--" napalingon kaming apat kay Clinton na halatang ako ang sinesermonan, agad naman syang natigilan nang makita si Dos at ang ina nito "U-uy Dos" bakas ang gulat sa mukha nya, na para bang hindi nya inaasahang nandito si Dos kahit na alam nya namang school at party nila 'to

"Do you know him, son?" Tanong naman nang ina nito sa kanya. Napatango naman ang Dos por dos

"He's my classmate" caswal na sagot nito.

"Oh, I see...and your somehow connected to Agnes's nephew?" Bakas sa tono nang tanong nung Haze ang kuryusidad, nagkatinginan agad kami nang bumbay.

"He's my nephew's boyfriend" panguna agad samin ni tita, pansin ko agad ang pagkunot nang noo ng Dos por dos dahilan para mapaiwas ako nang tingin at kagatin ang dila ko dahil sa takot at kaba

Required ba talagang sabihin yan tita?? Sa harap talaga mismo ni Dos? Wala to sa script tita! Wala to sa napagkasunduan natin kanina! >~<

"Since when?" Napaangat ako nang tingin sa Dos por dos nang bigla syang magtanong habang nakatingin sakin na para bang ako talaga ang tinatanong nya. Napalunok ako

Jusmeh naman wala bang water break to? Kailangan talaga ganito ako katensyunado pag kinakausap nya? Ano bang nangyayari sayo Austin?! Mas desente at mas gumwapo lang sya ngayong gabi pero sya pa din yan! Yung tukmol na sira ulong Dos por dos na nagsabotage nang upuan mo nung first day of school! Umayos ka! Walang ganyanan! Wag ka papaapekto sa kagwapuha-este sa kalandian nya!

"Hey! I'm asking you" mas lalo nang nangunot ang itim na itim at katamtaman ang kapal nitong mga kilay, halatang nawawalan na nang pasensya na sya naman gumising sakin sa realidad

"H-ha?" Wala sa sariling sagot ko nang agad namang magsalita ang ina nya

"Please son, wag mo namang takutin ang bisita natin" nakangiti ngunit may halong diin at pagbabanta na saway sa kanya nang nanay nya. Kita ko naman ang bahagyang paggalaw nang dibdib, halatang bumuntong hininga bago walang pasabingtinalukuran kami. "Wait. Dos, please wear your bow tie" pakiusap pa sa kanya nang nanay nya. Napairap sya

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon