Chapter 120: Ang espiritu ng alak

275 20 9
                                    

Yay! Back to Austin na tayooo! Balik din muna tayo kinabukasan after ng Christmas party nila hehe.

Ilag sa typo! Nyapii reading mga BB's!😘🥰✨

Austin's POV

Sinigang... lechon paksiw... sinangag...adobo...

"Pagkain!-ah! Aray..." Agad akong napabangon nang maamoy ang samo't saring putahe mula sa kung saan, pero muling napabalik sa kama nang biglang sumakit ang ulo ko.

Arghh! T*ng*na! Pakiramdam ko parang mabibiyak ang ulo ko!

Halos ilang minuto din akong nagpagulong gulong sa kama dahil sa sobrang sakit nang may marinig akong ring ng phone. Unti unti akong bumangon at kinuha ang cellphone na nasa tabi ko. Napakunot naman ako nang makita kung sino ang tumawag

Sungit
Calling...

Sino si sungit? Meron ba 'kong pinangalanang sungit sa contac list ko?

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya matapos sagutin ang tawag.

["Austin? Austin is that you?!"] Nagulat ako nang marinig ang boses ni Aze mula sa kabilang linya. Sandali kong inilayo ang phone para siguraduhin kung sino ang tumawag nang mapansin kong ibang cellphone pala ang hawak ko.

Teka, hindi ko naman cellphone to ah! Bakit nandito to?

["Hey, Austin!"] Muling tawag sakin ni Aze dahilan para mataranta ako at muling ibinalik ang phone sa tenga ko.

"O-oh! Bakit?" Nalilito pa ding sagot ko.

["Tell me, where are you?"] Bakas ang kaba sa boses nya, bagay na ipinagtaka ko. Napatingin ako sa paligid at dun ko lang napansin na wala pala ako sa kwarto ko.

"A-ah...eh...ano...n-nasa kwarto ako." sagot ko saka mas inilibot pa ang paningin sa paligid nang mapansin ko ang isang picture frame, kasama ang isang kulay gray na lamp shade na nakapatong sa desk katabi ng kama.

["Where exactly?"] Tanong nya pa, sakto namang nakuha ko na ang picture frame. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita ang group picture ng tatlong itlog kasama si Aze.

Nakasuot sila ng uniporme ng Reese, kaya sa tingin ko, mga junior pa lang sila sa litrato na to. Si Aze ang nasa unahan na kumukuha ng litrato habang naka peace sign, nasa gitna naman si Tres na naka pogi pose pa, habang magkaakbay naman sina Dos at Crimson sa likuran.

"Nandito pa din ako sa bahay ni Dos" sagot ko nang makasigurado. Dinig ko naman ang malalim na buntong hininga nya dahilan para muling maibalik sa kanya ang atensyon ko. "Teka nga, bakit ba? Saka pano mo ko natawagan eh hindi ko naman cellphone tong gamit ko?" Tanong ko pa.

["I was going to drive you home last night, but it seems like I was the only one driving unto your house-"] paliwanag nya pa nang magreact agad ako

"Ano?! Nakalimutan mo 'ko?!" Putol ko agad sa paliwanag nya

["Relax! I was drunk too okay. Mas mabuti nang hindi kita naisama, who knows, baka naaksidente pa tayo. "]

"Eh, Ikaw? Ano nang nangyari sayo? Nasan ka na?" Hindi ko maiwasang magalala nang dahil sa sinabi nya.

["Thank God, i'm still alive, and I still haven't lose my license. I'm on the way to the airport now, ipapahatid ko na lang 'tong phone mo jan mamaya. Keep my phone for the meantime"] halata ang pagmamadali sa boses nya. Gumaan naman ang loob ko nang malamang ayos lang naman pala sya.

"Teka! Cellphone mo 'to? Pano yan, wala kang--"

["I'm here. I need to hung up now. Don't lose my phone, okay?"] Bilin nya, akmang magsasalita pa 'ko nang bigla nya namang patayin ang tawag.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon