Chapter 51: Salarin

924 83 50
                                    



Austin's POV






Naningkit ang mga mata ko habang isa isang pinagmamasdan ang mga kaklase kong nagkukwentuhan habang inaantay ang susunod na lect.






Hindi kaya si Crimson talaga yung nagtext sakin? Tutal sya lang naman ang nakakaalam nang phone number ko dahil sa kakahingi ko nang load sa kanya eh.






Mula kagabi ay wala na akong ibang inisip kundi ang hulaan at pagbintangan ang mga kaklase kong isa sa kanila ang nagtext sakin kagabi, na umabot pa sa puntong hindi man lang ako nakapagreview para sa huling araw nang exam ngayon...

Oo! Dahil sa sobrang landi ko kagabi ay mas inuna ko pang isipin Kung Sino ang kalandian ko kagabi kumpara sa pagrereview para sa exam ngayon! Kaya boom! Nakakadalawang subject pa lang pero damang dama ko na ang simoy nang bagsak na grado!

Jusme! kailangan ko na atang dumistansya sa mga kaklase kong to, nakakahawa ang mga kaharutan nila sa katawan eh! Kalalaking tao mga mahaharot, numero uno na yang Dos por dos na yan na walang ginawa kundi ang harutin ako nang harutin kahapon! Sya ata ang lider nang mga to pagdating sa kalandian eh! Tsshh








"Stop staring at other people, your creeping everyone out" dinig kong saway sakin ni Clinton na syang katabi ko, pero hindi ko sya pinansin at patuloy lang na pinagmamasdan ang mga kaklase ko





"Sa tingin mo... Sino kaya sa kanila ang salarin?" Tanong ko nang hindi man lang sa nililingon




"What the hell are you talking about?" Naguguluhang tanong nya pabalik, napangiwi naman ako






Naks naman! Umi english ang bumbay ah! Nakikipagsabayan na din pala sya sa mga ritchkid na tukmol na to ah!





"May nantrip sakin kagabi eh, ikaw ba yun ha?" Pag aakusa ko sa kanya habang nakatingin na ngayon kay Rent na mukhang busy sa cellphone nya





Hindi kaya sya?... Psh! Mukhang hindi. Wala naman atang cellphone ang tukmol na yan eh dahil panay lang ang hiram kay Eros, saka hindi naman nila alam ang phone number ko eh







"What do you mean?" Takang tanong nya








Teka imposible! Hindi rin naman kasi alam ni Clinton ang number ko, saka isa pa wala namang hilig sa pantitrip ang isang to!







"Haish! May nagtext kasi sakin kagabi, medyo maharot. Eh sa wala din naman akong magawa, sinakyan ko na. Ang kaso nung huling reply nya, ang sabi see you tomorrow daw. Edi ibig sabihin kaklase natin sya! Alam ang pangalan ko eh!" Pagkukwento ko habang nakatingin na ngayon kay Clinton na kakapasok lang at nakikipagtawanan kasama si Matthew













T-teka... kung nasa labas pala si Clinton...sino tong kasama ko?!?!












Nakaramdam agad ako nang kaba sa hindi malamang dahilan nang kumaway pa si Clinton sakin, napatingin din sila Tres at Crimson sa direksyon ko nang unti unting kong lingunin ang nasa tabi ko ngayon




Nakatukod ang kanang siko nya sa arm chair habang ang kamay nya naman ay nakapangalumbaba. Napalunok ako nang makitang nakangiti sya habang nakatingin sakin, halatang gustong matawa sa reaksyon ko











Thungene bakit sya nakaupo sa pwesto ni Clinton?!










"B-bakit ka nakaupo j-jan ha?!" Bigla akong napatayo sa gulat saka napaturo pa sa mukha nya. Halos malagutan naman ako ng hininga nang kagatin nya ang ibabang labi nya, hatalang nagpipigil talaga nang tawa





Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon