Chapter 92: Teasing the two broken hearts

738 67 27
                                    



Clinton's POV

Kasalukuyan kaming nasa kwarto nila Tres at Dos, napansin kasi namin na mas lalong naging busy si Dos simula nung namatay si Mr. Valmora. Hindi na namin sya nakakausap palagi dahil kahit recess at lunch ay hindi namin sya mahagilap sa cafeteria at sa classroom. Kaya napag usap usapan namin kahapon na since wala namang pasok ngayon ay bisitahin namin sya ngayon para kamustahin, pero nagulat lang kami nang puro tambak na papel ang tumambak samin.

"Langya! Ano to unlimited projects at assignment?" Takang tanong agad ni Rent pagkapasok namin ng kwarto nila, si Tres na ang nagpapasok samin dahil mukhang walang balak si Dos na tumayo at iwan ang mga ginagawa nya

"Oo nga! Daig mo pa ata yung mga pinapagawa samin nila ma'am para lang pirmahan yung clearance eh" pag sang ayon naman ni Forth

"Tol, naiintindihan namin na para sa grades to pero sana naman kumain ka din ng maayos. Hindi ka na namin halos mahagilap sa cafeteria at room eh, madalas nga tulog ka pa sa klase" alalang saad naman ni Eros dahilan para mapatango ang karamihan samin

"Thanks for the concern, but ican take care of myself" seryosong sagot naman ni Dos, napailing naman si Tres

"Dos, alam naman naming nabibitter ka pa rin sa nangyari sa iny--aray" pagmamarunong naman ni Klyde nang agad syang batukan ni Xeon habang tinaasan pa sya ng kilay ni Dos "Sabi ko nga shatap ako eh" giit nya pa habang hinihimas ang batok, napailing naman kami

"Hey Do--" lahat kami ay napalingon sa pinto ng marinig ang boses ni Crimson "Oh, you're all here" saad nya, pansin naman namin ang dala nyang dalawang malalaking paper bag. Agad namang nanlaki ang mga mata ng mga tukmol at agad na lumapit sa kanya




"Uy ano yan?"




"Pagkain ba yan?"





"Patingin! Patingin!"





"Uy tol, ano yan?"



"Ano to? Ba't puro yakult?" Takang tanong ni Klyde ng mabuksan ang isang supot, agad namang nagpigil ng tawa sila Crimson at Tres habang napapangiti naman ang iba samin kasali ako

Hmm...mukhang alam ko to ah.

"Ano to? May anak ka rin ba Crimson?" Inosenteng tanong ni Klyde na syang ikinakunot ni Crimson

"What?! No!"sagot naman ni Crimson, hindi tuloy namin maiwasang matawa

"Have mercy on your spine bro" pabirong awat pa ni Crimson kay Dos saka ibinaba ang isang kulay blue na yakult pero hindi naman sya pinansin nito at patuloy pa din sa ginagawa

"Why not helping me with this one than going grocery shopping? That would've been much help" sagot ni Dos

"Eh sino ba kasing nagsabi sayong mag campus president ka at kalabanin ang halos kalahati sa mga fraternity gangs dito. Ehdi ikaw ngayon ang taga salo ng gawain ng ibang mga officers mong nabaldado. Desisyon mo yan, kaya panindigan mo" sermon sa kanya ni Crimson, wala naman syang nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang at mapailing

Mula ng mawala si Mr. Valmora ay naging sunod sunod na nga ang mga grupong kumakalaban at nagbabanta samin na pinamumunuan ng mga kamyembro ng anak ni Mr. Valmora na nakatakas sa mga pulis. Simula rin nang umalis si Austin ng Maximilion ay nagpaturo na 'ko kanila Dos kung pano makipaglaban, kaya ngayon ay nakakasama na ko sa mga lakad nila. Sila Matthew, Eros, Rent at Forth naman ang nagtuturo sakin tungkol sa ibang mga detalye kung bakit namin to ginagawa, kung sino sino ang mga kalaban namin, at kung ano ang plano ni Dos

"Oo nga pala, eh pano yung mga kasamahan nila Kaizo na ayaw talagang sumali sa grupo natin?" Tanong ko

"Just let them be. Compared to how many people we've convinced to join us, they're not a threat to us" sagot ni Tres

"They were never a threat to us." Pagtatama pa ni Crimson "What matters now is that we should get enough members before Dos leaves next month. Kailangan na nating tanggalan ng pakpak ang mga Suares para mas mapadali ang paghuli natin kay Ian" paliwanag nya pa, agad naman kaming napatango

"Is that why you have tons of paper works?" Tanong ni Matthew kay Dos, napatango naman ito

"Mm... I need to finish all of this school reports and complete today until next month's requirements while preparing to take an advance exam so that i don't have to worry about my studies when i flew to Switzerland" sagot nya

Lumipas ang ilang oras at tinulungan na din namin si Dos sa mga gawain nya, hinati hati namin ang mga gawain sa tatlong grupo. Nang matapos ay pagod kaming napahiga sa sofa, ang iba naman ay sa sahig.

"Xeon gutom na 'ko!" Pagod na sabi ni Klyde kay Xeon habang nakadapa sa sahig

"Lahat tayo gutom, hindi lang ikaw" sagot naman sa kanya ni Xeon, sakto namang tumunog ang cellphone ko. Agad akong napaupo ng makita kung sino ang tumatawag at walang alinlangang sinagot ito.

"Hello, Austin?" Tanong ko sa kabilang linya saka ni-loud speaker ang phone ko, agad naman silang napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata. Kahit si Dos na natitirang nililigpit ang mga papel na nakatambak at nakakalat lang sa lamesa at sofa ay napatingin din pero agad ding umiwas. Napangiti naman ako

["Oh, ako nga"] bakas ang pagtataka sa boses nya mula sa kabilang linya, siguro ay nagtataka kung bakit ko pa kailangang sabihin ang pangalan nya. Agad namang napangiti ang mga loko saka napapasulyap kay Dos na mas lalo pang nangunot ang noo habang sinusubukang magconcentrait sa ginagawang pagliligpit ["Busy ka ba?"] Tanong nya pa

"Mm...hindi naman masyado, bakit?" Sagot ko agad naman nila akong binigyan ng mapang akusang tingin


"Wow naman, sanaol hindi pa busy sa lagay na yan"

"Hindi pala busy eh, edi sana sa kanya na lang natin pinagawa lahat"

"Pano hindi magiging busy eh tatlo't kalahating page nga lang nagawa nyan"


At nagsimula na nga silang magbulung bulungan. Kung hindi ko lang kausap si Austin ay baka kanina pa ko umapila.

Ang gagaling magsalita eh puro naman math yun no! Sila nga tong maraming papel na sinagutan, eh puro laktaw naman! Nag aagawan pa nga sa multiple choice -,-

["Pwedi mo ba 'ko samahan? Nandito ako sa mall, wala akong kasama eh"] saad nya, napatingin pa 'ko sa kanila na para bang nagpapaalam

"Uhm...pwedi naman--"natigil ako sa pagsasalita ng bigla naman slang magsitikhiman, tanging sila Crimson at Dos ang ang nanatiling tahimik at nakatingin sakin na para bang pinagbabantaan ang buhay ko. Napalunok ako

["Sino yun? Nasa'n ka ba?"]

"Uh...nasaaaa.... kwarto, ko. Kasama yung iba" pagsisinungaling ko nang may maisip na kalokohan "Nandito din si Dos" dagdag ko saka tinignan si Dos. Sandali naman syang natahimik sa kabilang linya dahilan para matahimik kaming lahat. Napahinto naman na si Dos sa ginagawang pagliligpit at naupo sa tabi ko habang nakacross arms at nakadekwatro pa

["Katabi mo ba sila ngayon?"] Tanong nya na parang nakikiramdam.

"Uhm..." Akmang aalis na sana ako para makaalis nang hawakan naman ni Dos ang balikat ko at sapilitang akong paupuin pabalik ng sofa, umupo na din si Crimson sa kabila ko para siguraduhing hindi ako makaalis "--Hindi" pagsisinungaling ko

Pahamak ka nanaman Clinton -_-

["Pwedi ba, kahit ngayon lang wag mong mabanggit banggit ang pangalan na yan. Kotang kota na 'ko sa kahoy na yun. Kahit saan ako pumunta naririnig ko pa din ang pangalan na yan, at rinding rindi na 'ko! Kaya utang na lamang loob, nag mo-mob on yung tao dito eh! Pa move-on-in nyo naman ako!"] Protesta nya sa kabilang linya, halos mamatay naman sa kakapigil ng tawa ang iba. Mahina namang napasipol si Crimson habang napataas naman ang isang kilay ni Dos saka kinuha ang cellphone mula sakin.



Patay ka Clinton! Patay ka talaga! Mapapatay ka nya! >~<



Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon