Chapter 87: First day disaster

682 61 36
                                    




Austin's POV

Tatlong araw ang lumipas matapos kong umalis ng Maximilion High, at ngayon back to zero nanaman ako. Panibagong first day of school nanaman sa panibagong school na paoasukan ko. Suot ang bagong uniform, nagpaturo na din ako kay tita kahapon kung paano magkabit ng wig kahit na maykahabaan na ng kaunti ang buhok ko. Nakakahiya naman kasi sa uniform ng bago kong school, masyadong babaeng babae tapos yung buhok ko panlalaki.

Sa unang pagkakataon ay naconscious ako sa itsura ko. Nakasuot ako ng puting school uniform na may kulay blue na necktie at pinapatungan ng navy blue na vest, kapares naman nito ang suot ko ring navy blue na pencil skirt na may zipper at maliit na slit sa likod nito. Halos maiyak na rin ako nung nakaraang araw nang sinubukan pa 'kong bilhan ni tita ng school shoes na may pamatay high heels, buti na lang talaga nagawa ko pang ipaglaban yung nakita 'kong kulay itim na semi flat shoes dun sa mall.

Maingat namang brinaid ni tita Agnes ang wig na suot ko gaya ng sinabi ko, kahit naman kasi mahaba pa ang buhok ko dati, lagi pa rin 'yong nakatali dahil ayoko ng naiinitan at punagpapawisan ang batok ko. Masyadong mahapdi, nakakatanggal ng balat -,-

"Austin tara na, malelate ka na" tawag sakin ni tita Agnes sa loob ng kotse. Halos hindi naman ako magkanda ugagang ibaba ang skirt kong umaangat tuwing humahakbang ako, mas lalo akong napasimangot saka hinayaan na lang ang skirt ko at lakad takbong lumabas ng mansyon ni tita

Marami pang mga papuri at kung ano anong pinagsasasabi si Tita Agnes habang nagmamaneho ng kotse, pero ni isa dun ay wala akong may naintindihan dahil busy pa rin ako sa kakatakip sa parte ng binti kong hindi natatakpan ng tela ng skirt ko

Jusmeh! Pakiramdam ko matatapos ang araw na to na wala nanaman akong natututunan at puro banat na lang dito sa maiksi kong skirt ang gagawin ko buong klase! >~<

Matapos ng ilan pang minuto ng pamomroblema kung paano pahahabain ang maiksi kong palda ay napagod na din ako. Nakarating kami sa panibago kong school.

"Thank you po tita" tipid na ngiting pasalamat ko kay Tita Agnes pagkalabas ko ng kotse, sinagot nya lang ako ng simpleng tango at tipid ding ngiti.

Matamlay akong naglalakad papasok ng napakalaki nilang school building. Pansin ko ang mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sakin, malamang ay nababaguhan sa itsura ko. Hindi naman ako kumibo at dirediretso lang na naglakad nang may bumangga saking babae, agad naman akong napalunok nang makita kung sino ito

"Hey! Watch it!" Inis na saway nya sakin gayong sya naman tong bumangga sakin.

Hindi ako makapaniwala. Sa dinami dami ng school, sa dinami dami ng tao dito bakit etong lintek na pyansey pa nung kahoy na yun ang unang mukha na makikita ko ngayong umaga?!

Gusto ko syang sampalin ng bongga para magising sya sa kahibangan nya pero buntong hininga lang ang nagawa ko, masyado akong nanghihina na kahit ang ibuka na lang ang bibig ko ay hindi ko pa magawa. Tinignan ko lang sya saglit bago muling talikuran at bumalik sa paglalakad.

"You b*tch!" Nagulat ako ng bigla nyang hablutin ang wig ko dahilan para manlaki ang mga mata ko at agad na napahawak sa ulo ko para lang hindi humiwalay ang wig sa ulo ko.

"Hey! Stop it!" Agad syang napahinto ng marinig ang boses ng isang lalaki sa likuran namin.

"It's her--ah!!" Akmang magsusumbong pa sana sya sa lalaki ng maramdaman ko ang biglaang pagkulo ng dugo ko sa inis at agad na sinungaban ang buhok nya

"Sira ulo ka ah!" Nangigigil na mura ko sa kanya saka buong pwersa kong hinila pababa ang buhok nya, dahilan para mas lalo syang mapasigaw sa sakit

"Sh*t!" Dinig ko pang mura nung lalaking umawat sa kanya kanina at dali daling lumapit sa direksyon namin

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon