Chapter 148: Say it

260 16 10
                                    

Austin's POV

"G-good morning po tita..." Awkward na ngumiti ang bumbay sabay kaway pa kay mama, nang sa isang iglap ay himatayin ito.

"Ma!"

"Labs!"

"Ate!"

"Tita!"




PAPALIT-palit lang ang tingin ko kay mama at sa bumbay na kasalukuyang nagti-ti-tigan ngayon. Alas sais ng umaga, nang dumating ang bumbay at walang pasabing pumasok na lang ng bahay na siyang ikinagulat ni mama kanina. Nang mahimasmasan ay niyaya muna kami ni tita Agnes na sabay-sabay na mag-almusal, kaya ngayon ay eto kami. Tahimik na kumakain habang nagpapakiramdaman.

"Wala talaga kayong balak na magpaliwanag?" Kalmado pero bakas ang matinding galit sa boses ni mama. Napalunok ako saka pasimpleng sinulyapan ang dalawa na nasa harapan ko.

Pst! Sagot!

"A-ano...kasi... roleplay. Project po namin--aray!" Sinubukan pang magpalusot ng bumbay nang bigla naman s'yang batuhin ni mama ng ubas sa mukha.

"Wag mo 'kong pinaglo-lo-loko, Clinton! Baka gusto mong isumbong kita sa nanay mo!" Banta naman ni mama habang pinalakihan s'ya ng mata.

"Alam naman po nila mama..." Mahinang sagot ng bumbay na hindi naman nakatakas sa pandinig naming lahat. Napangiwi ako.

Kaya pala nung naligo kami kasama sila, ang sigla pa rin nilang tignan. Parang hindi lang namatayan ng anak...sa bagay hindi nga naman.

"Ano?!" Kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong ni mama. Napayuko kaming tatlo, pati na rin si tita Agnes.

"L-Labs, huminahon ka muna." Agad na napatayo si papa at hinagod ang likod ni mama para pakalmahin. "M-mamaya na lang natin 'to pag-usapan. Baka ma-late na ang bata sa school."

Yes! Hulog ka talaga ng langit pa! T^T

Kunwaring napatingin si tita Agnes sa relo saka dali-daling tumayo. "Y-yeah, you're right. I still have few appointments to--"

"Agnes!" Putol sa kanya ni mama. "Mag-uusap tayong dalawa." Mariing utos ni mama habang pinalakihan na din si tita ng mata.

"But--"

"Walang but! But!" Mabilis na sagot ni mama saka napatingin naman sa'min. Muli kaming napayuko; na animo'y mga batang paslit na napagalitan."Kayong tatlo! Bumalik agad kayo, mag-uusap tayong lahat. Lalo ka na, Clinton!"
"O-opo tita...hehe.." kamot-batok na sagot naman ng bumbay.

Matapos kumain ay halos magpakarerahan pa kami palabas ng mansyon, pwera na lang sa kahoy na iika-ika pa ring maglakad ngayon. Pagkarating sa school ay saka lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag.

"Ayoko na atang umuwi..."

"Yeah, I should definitely stay here."

"Bumalik na lang kaya ulit ako sa kabaong? Tutal mukhang dun din naman ang bagsak ko mamaya eh."

"Oh, ba't mga mukha kayong pinagsakluban ng langit at lupa?" Salubong agad sa'min ni Eros nang makapasok ng classroom.
"Punta kayong lahat mamaya sa bahay nila Austin. Magpapakain daw sila." Sarkastikong sagot ng bumbay, ang kaso mukhang mahina ata ang mga common sense ng mga tukmol ngayong araw, kaya agad na nagsipagliwanag ang mga mukha nila.

"Talaga?"

"Baket anong meron?"

"Pakain?! Saan?!"

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon