Chapter 139: The Guy Who Rose Up From the Dead

214 14 12
                                    


Sorry kung na late, naaliw kasi akong manood ng cartoons, muntik ko pang malimutan mag update hehe. Ilag sa typo mga BB's! Nyapiii reading!!!



Austin's POV

"Come with me, if you still wanna see your Aunt alive" Unti-unting naglaho ang mga ngiti n'ya at napalitan ng seryosong mga tingin. Napalunok ako.

Hindi ko alam kung tanga ba 'ko o bobo para maulit ang sitwasyong kinalalagyan ko dati.

Kanina pa nag ring ang bell kaya naman wala kaming nakasalubong habang papalabas ng building . Kung tutuosin pwedi akong tumkbo at humingi ng tulong, pero natatakot ako na baka manganib ang buhay ni tita Agnes. Mukhang kalkuladong-kalkulado n'ya talaga ang mga galaw n'ya ngayon. Wala akong choice kundi ang kusang sumama sa kanya.

Muli kong naalala ang kungklusyon ng kahoy na baka nga posibleng may tumutulong sa kanya kaya n'ya nagagawa ang mga ng ganito ngayon ng walang kahirap-hirap. Kung paanong nakapasok s'ya dito sa school ng hindi nahuhuli at kung paanong napunta sa kanya ang singsing ni tita Agnes. Malabong magawa n'ya 'to ng s'ya lang mag-isa. Meron s'yang kasabwat.

Pero sinong g*go naman kaya ang tutulong sa baliw na 'to?!

Nang makarating sa may paking lot ay pinanood ko s'yang lumapit sa isa sa mga sasakyang naka-park doon. Pasimple akong napalinga linga sa paligid para tignan kung may taong pwedi kong mahingan ng tulong pero nagulat ako nang may biglang panyong biglang tumakip sa bibig ko. Sinubukan kong magpumiglas pero nang malanghap ang nakakahilong amoy ng kemekal ay unti-unti akong nakaramdam ng panghihina. Pilinit kong labanan ang pagkahilo pero sa huli ay bumigay pa rin ang mga talukap ng mga mata ko. Unti-unting nandilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng malay.

May kasabwat nga talaga s'ya.




NAGISING ako nang marinig ang pamilyar na boses ng babae. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa paligid.

Wala akong makita. Ang dilim.

"T-tita Agnes?" Nangangapang tanong ko, habang sinusubukang hanapin kung saan galing ang mga daing na naririnig ko.

Sinubukan kong tumayo pero agad na nagulat nang madapa ako. Saka ko lang napansin na nakatali pala sa kung saan ang parehong kamay at paa ko.

Kainis! Bakit wala akong makita?!

"Tita Agnes? Tita, nasan ka?" Wala akong magawa kung ang tanungin s'ya.

"Mmm!" Napakunot ako nang marinig ulit ang boses n'ya. Mukhang tinakpan nila ang bibig ni tita Agnes. Pero bakit ang bibig ko walang takip?

"Ay! Pata!" Nagulat ako nang biglang gumalaw ang lupa...sahig...o kung ano man 'tong kinalalagyan ko ngayon.

May lindol ba? Bakit parang gumagalaw?

Muli kong pinakinggan ang paligid at napakunot nang may marinig na mga busina sa labas, sumunod ang malakas na putok ng baril. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Dos...

Dali-dali akong nagpumiglas, gumulong para makatihaya. Pareho naman kaming napasigaw ni tita Agnes sa gulat nang biglang bumukas ang malaking pinto at bumungad sa'min ang mga sasakyan at kalsada. Doon ko lang napagtantong nasa loob pala kami ng malaking container sakay ng malaking truck. Malakas ang hangin at halos gumulong ako palabas ng truck dahil sa pagewang-gewang na andar nito. Napapikit ako dahil sa pinaghalong kaba at takot.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon