Chapter 37.4: Reese VS. Max Pt.3 (Basketball 1/3)

1.1K 81 5
                                    

Yaaayy!!! Naka ud na din hahahaha,ilag sa typoooo madalian lang to

Nyapii reading 😘💖✨








Continuation...


Austin's POV



Agad akong natahimik dahil sa sinabi nya at marahang napayuko


Haish payiha ka selp,ano ba kasing iniisip mo't nanugod ka na lang bigla ha??


"Okay everyone le---what's going on here?" Napalingon kaming lahat kay Coach/momsh na kakarating lang, agad namang nabaling ang tingin nya samin ng Dos por dos "What are you doing here Mr. Vermilion? Hindi ba't dapat nasa Gym na kayo ngayon?" Tanong ni Coach dahilan para napalunok naman ako sa kaba


Pano ko ba sasabihin Kay Coach na inaway ko ang team captain nila sa kalagitnaan ng kumpetisyon dahil lang nakita kong kinain nya yung Shanghai ko?



Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magpaliwanag nang bigla naman nya akong putulin


"Ah--Nevermind, everyone go to the gymnasium. The game will start in 10 minutes! Go!Go!Go!" Nagmamadaling utos ni coach with matching palakpak pa,dali dali naman kaming lumabas ng kwartong iyon at naglakad papunta sa gym



Tahimik lang ang lahat habang naglalakad,hindi naman ako nag aksaya nang oras para lingunin pa ang dos por dos dahil sa kahihiyan. Nang makarating sa gym ay umakyat na agad kami sa ikatlong palapag nang bleachers kung saan kami nakapwesto kanina samantalang nasa pinakaunahan naman ang maglalaro.

Tulad kanina at sa bawat laro ay may mga paspeech at opening remarks pa bago magsimula ang laro. Hindi ko naman na yun pinagtuonan nang pansin dahil wala din naman akong naiintindihan...



English eh!



Matapos ang mga announcement at paenglish ay sa wakas nagsimula na rin ang laro,at ang unang magkalaban ay ang Maximilion High at Reese University. Isa isang tinawag ang mga kalahok nang RU para pumunta sa harap at maipakilala,nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang isa sa mga kasamahan ng taga RU




"...number 9, Cian Elios Suares" dinig ko pang pakilala nang MC sa lalaking may tatoo ng maliit na dragon sa kamay,at ang nagiisang walanghiyang nagtanim nang bomba sa likod kong animal sya! Pero napawi naman ang inis ko at napalitan nang takot nang dumako sakin ang tingin nya na animo'y nagbabanta



Agad namang lumakas ang hiyawan nang taga RU, kasali na dun yung babaeng nakabangga ko kanina na nagngangalang Envy na kasalukuyang nakaupo kasama nang Coach nila at iba pang manlalaro.


Paliit na nang paliit ang mundo ah...



"Pst, kakilala mo ba Yun?" Tanong sakin ni Clinton saka nginuso sakin yung Kian kunu daw


"H-hindi..."sagot ko naman



"Bakit kaya ganun makatingin yun sayo? Para namang mangangatay nang Tao" natatawa nyang tanong pero nanatili akong seryoso



Di lang mukha,talagang nangangatay Yan! Kamuntikan na nga 'kong sumabog at maging lechon nang dahil jan eh!



"Number 12, Calic John Magno... Number 7, Red Juno Vargas..." Anunsyo pa uli nung MC kasabay nang pagkaway naman nung number 12 at number 7 na sya ring nakita kong kausap nung Cian dun sa lumang tambakan ng bote bakal



Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit naka maroon na slux sila, dahil dito sila nagaaral at eto ang uniporme nila...pero bakit?

Bakit parang ang lantad naman ata nun? Ano Yun gusto talaga nilang ipaalam na dito sila nagaaral?

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon