Chapter 133: Reviewing-personal Issues

213 16 11
                                    


Austin's POV


Pink o red?


O yellow or blue?

Halos ilang oras din akong nakatayo sa harap ng salamin habang isa isang sinusubukan ang mga hairclip at headbands na bigay sa'kin dati ni Coach at ng tatlong baklita. Ewan ko nga kung bakit naisipan ko atang mag-ayos ngayon.

Kung kelan wala namang maaayos, saka ko pa naisipang mag-ayos. Talino mo talaga, Austin! -,-

Agad akong napalingon sa may pinto nang marinig na may kumatok. "Austin? Nanjan ka ba?" tanong ni tita Agnes mula sa labas, agad naman akong lumapit sa may pinto at pinag buksan s'ya.

"Bakit po?" Tanong ko. Nagtaka naman ako nang makita ang gulat sa mukha n'ya habang nakatitig sa'kin. "Tita! Okay ka lang?" kumaway ako sa harap n'ya. Agad aman s'yang napailing saka ngumiti.

"Sorry, nagulat kasi ako. Ngayon lang kita nakitang may suot na hair clip. Bagay sa'yo." Papuri n'ya. Saka ko lang napansin na hindi ko nga pala natanggal yung hairclip na may blue na butterfly sa buhok ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sinabi n'ya.

"Talaga tita?" Ewan ko kung bakit pero para akong kinikiliti nang dahil sa sinabi n'ya. Pinaningkitan n'ya ko ng mata.

"In-love ka 'no?" mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagtataka.

"Bakit mo naman nasabi 'yan tita?" Takang tanong ko. Binigyan n'ya ko ng makahulugang tingin.

"Alam na alam ko ang mga ganyang ngiti Austin." sabi n'ya sa mapanuyong tono.

"Anong ngiti? Bawal bang ngumiti? Porket ngumiti in-love agad?" Sunod sunod na tanong ko. Napailing naman s'ya.

"Nanjan na sila Dos sa baba." Pag-iiba ni tita ng usapan. Awtomatiko namang bumalik ang ngiti ko.

Ngayong araw namin napag-usapan ng kahoy na magsimulang mag review. Medyo kinakabahan ako pero lamang pa din ang excitement sa hindi ko malamang dahilan.

Sino kayang excited mag-review? Eh ayaw na ayaw ko nga nang nag-iisip masyado eh.

"Oh, teka! Ganyan lang ang suot mo?" Akmang lalabas na sana ako ng kwarto nang pigilan naman ako ni tita. Napatingin ako sa suot 'kong green na T-shirt at brown na jogging pants.

Wow, naka puno outfit, sana pala yung strawberry na headband yung sinuot ko para may bunga.

"Bakit ano po bang problema sa suot ko?" Tanong ko. Napangiti si tita.

"Halika, aayusan kita." nakangiting aya n'ya saka mahina akong itinulak pabalik sa loob ng kwarto ko.

"Eh teka, baka naghihintay na po sila dun sa baba"

"Hayaan mo silang mag hintay! Ang mga lalaki, pinaghihintay talaga yan."

Ay meganun?

Mega sardines.

Napakunot ako nang buksan ni tita ang closet sa tabi ng pinto saka mabilis na kinuha ang kulay pink na sleeveless na bistida na mayroong mga strawberry na design. Isa yun sa mga regalong natanggap ko nung pasko. Sa katunayan nga puro damit ang sandals ang laman nung malaking balikbayan box na natanggap ko nung pasko. Meron ding mga make-up, bag at pabango. Tapos puro pa pink. Meron din naman ibang kulay, pero puro mapupusyaw. Halatang si Ate Quin ang pumili.

Sunod ay binuksan ni tita ang drawer saka kumuha ng kulay puting t-shirt. Dali dali s'yang lumapit sa'kin saka inabot ang mga hawak.

"Tita, magrereview po kami. Hindi gagala." nakangiwing sabi ko, na hindi n'ya naman pinansin.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon