Chapter 70: Anger

867 74 32
                                    





Drake's POV







"T*ng*na mo! Sira ulo ka ah!"







"Ang lakas nang loob nyong saktan si Austin eh mga wala din naman pala kayo eh!"





"Kanina pa ko nanggigigil sa mga to eh! Pigilan nyo ko, baka magulpi ko agad tong mga to eh!"





"Gulpihin na natin!"






Kakarating ko pa lang sa lugar na chinat ni Dos sa GC, nang marinig ko agad ang samo't saring mga reaksyon ng mga kaklase namin. Pagkapasok sa loob ay agad na sumalubong sakin ang tatlong lalaking nakatali sa may upuan habang paulit ulit na pinagmumura ng mga kaklase namin.

"Si Dos, nasaan?" Tanong ko kay Crimson na nakatayo lang sa isang sulok at nakacross arms habang pinapanood ang mga kaklase naming manggigil dun sa tatlo.

"I don't know, but he's not here" sagot nya. Napangiwi naman ako


Pansin ko nga eh, kaya nga ako nagtanong diba?


"Ano bang mga pinagmamalaki nyo ha? Eh wala naman na yang Dos nyo eh, nagtatago na lang sa paaralan nyang basura! Pag dumating ang boss namin, tyak ubos kayong lahat! At hindi na kayo maliligtas nyang Dos nyo!" Agad akong napalingon at napakunot nang marinig ang sigaw nung lalaking nakatali sa gitna.

"Teka sya yung lalaking sumapak kay Austin noon diba?" Tanong ko kay Crimson, napatango naman sya



Ang lakas naman ata nang loob nya, at talagang nakakuha pa sya nang mga bagong kasama ah!



"Bakit parang andami na atang nagsisiaklasan? Sino bang may sabing wala nang kapangyarihan si Dos? Eh nasa posisyon pa din naman sya ah" takang tanong ko sa sarili nang muli namang magsalita si Crimson


"He's slowly loosing his spot and people's trust" saad nya na ikinakunot ko naman "Having special someone makes a person stronger... But they could also be your weakness. And that's one of Dos's trade. People entrust their lives to him because they knew he doesn't have any weaknesses, that he could fully protect them. But because of Austin, people starting to think that he gets weaker now. Especially that all they know...Austin is a gay. And that's a big hit for his reputation" paliwanag nya pa dahilan para mapatango naman ako


Oo nga no, kaya pala si Austin naman ata ang nagiging target nila ngayon dahil yun lang ang nakikita nilang paraan para tuluyan nang mapabagsak si Dos!

"Pero teka nga, pano nila nalaman na babae talaga si Austin? Tayo tayo lang naman ang nakakaalam nun diba?" Tanong ko uli sa kanya

"I don't know either, but one thing's for sure..."


"Ano?"

"That they're all working for someone very powerful." Sagot nya na sya namang ipinangamba ko "Dahil kahit naman kumalat ang issue nila Dos at Austin, it doesn't mean that Dos is powerless. May kakayahan pa din syang promotekta at makapanakit nang iba. Kaya hindi lalakas ang loob nang tatlong yan kung hindi sila nakahanap nang taong kayang pumantay, o mas lamang pa kay Dos" dagdag nya pa nang sakto namang bumukas ang pinto at napalingon kaming lahat kay Dos na halatang kanina pa nagtitimpi. Bakas sa mga mata nya at ang paraan nang pagyukom nang kamao nya ang awtoridad at galit, bagay na ngayon ko lang uli nakita sa kanya

"Where's the other one?" Kalmadong tanong nya, taliwas sa ikinikilos nya ngayon. Napakunot naman ako saka muling napatingin dun sa tatlong lalaking nakatali sa upuan

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon